DiMaAninag,
Spoof Opinion: Swivel Chairs: They got your back
Wazzup mga tropapeeps diyan! Good day ba? Ako kasi hindi e. Alam niyo, kapag nasa school ako, madalas sumakit ang likod ko. Legit. Ang hirap talaga makapag-aral.
Pero bakit ka’mo? E ano pa nga ba? Yung mga desk kasi natin sa UPIS pahamak! Hay naku po! Tsk tsk.
Nung nakaraang linggo, habang nakapatong ang cellphone ko sa desk (ASUS Zenfone 2 Laser ZOOLD ang model btw, tas basag pa screen. Hayst), nag-iisip ako kung anong pwede kong isulat para sa Di Ma-Aninag. Tas mga, par, di talaga ‘ko makapag-focus! Feeling ko talaga ma-didislocate ang gulugod ko. Posible ba yun? Kulang na lang magpa-stem cell na rin ako para magka-neck brace ako pagpasok next week.
Anyway, feeling ko talaga desk ko yung salarin sa lahat ng ito. Konti na lang, bibigay na ang likod ko. Tbh, it violates my right to health as stated in Article II, Section 15 of the 1987 Philippine Constitution! (Mmmpak hinanap ko pa yan manually sa constitution app ko. HAHA)
As a person who values human rights and advocates for its promotion, I will not stand by seeing myself and my fellow schoolmates suffer from this impoverished state. Is this democracy? Nu-uh friend. (Nosebleed na ba?)
Ay, joke lang! Di ko pa pala na-eexplain kung bakit sumasakit ang likod ko. Okay, so first of all, natitigasan ako dun sa sandalan. Aminin niyo, di lang ako.
Problematic talaga kung stiff lang yung backrest, tendency na magiging stiff din ang likod mo. And I know we don't want that. Paano na kapag naglalakad ka sa labas? Kunwari sa quad, ganun. O kaya kapag hihiga ka sa kama sa bahay niyo. Hindi ba't sasakit din ang likod niyo sa kaka-sit up straight o slouch sa isang di kumportableng upuan earlier that day? Di ba?
Tas isa pa kapag… ano naman, yung kapag umupo ka dun sa desk na tanggal na yung isang side sa backrest? Mga friend nagkaroon ng trustfall war flashbacks sa elem days, huhuhu. Alam kong di lang ako yung naging biktima nung desk na yun. Madalas ko yun makita sa third floor. This is a sign para palitan siya.
Ay tapos kapag nasa MC room ka, hindi rin okay umupo dun sa mga monobloc e. Ang weird na nga nung pagkaka-curve ng upuan, magkaka-static ka pa sa balahibo ng braso mo. Nakakabahala, my golly!
So ano ba talagang pinatutunguhan ko? Swivel chairs. Yun ang solusyon.
Pwede rin siyang tawaging office chair kasi madalas siyang makita dun. Sabi sa Wikipedia, si Thomas Jefferson raw nag-imbento ng swivel chair, kaya extra cool points para sa'kin!
Isipin niyo guys, isang umiikot na upuan na may gulong sa baba na mayro’n pang gas lift functionality para tumaas-baba ang posisyon mo. Saan ka pa?
Pwede kang makapunta sa isang lugar nang di tumatayo, o kaya naman makakatingin ka sa likod nang di nahihirapan kasi nakakaikot ka. It's so useful!
Di lang yun, masasanay rin tayo sa isang office environment dahil dun. Kahit bata pa lang tayo, maiintindihan natin kagad what it's like being in the work force. Professionalism!
Also…also, hindi na rin sasakit ang likod natin! Madalas kasing may kutson yung backrest nun. Tas yung mga modernong models niya kayang mag-lean back para makapag-adjust sa pagsandal mo. Problem solved!
Kaso lang, ang setback ay nawala nga yung desk part niya. Pero madali lang yan solusyunan! E di kabit natin yung mga arm desk part sa dating chairs ng school dun sa mga bagong swivel chairs, ez! Naging innovative pa tayo.
I mean oo nga may mga gastusing magaganap, pero it's an investment kasi for the benefit of the student body! Ika nga, “Kung ano ang itinanim ay siyang aanihin.” Kapag gumawa ng mabuti para sa mga mag-aaral, may mabuti ring maidudulot ang mga mag-aaral. Give and take!
So yun. Kung hahayaan lang nating maging ganito ang kalagayan natin bilang mga estudyante ng UPIS, paano tayo magiging productive. Kung ako nga na sinusubukang gawin ang trabaho ko bilang isang miyembro ng MC nai-stress sa mga upuan sa school, paano na ang iba?
Think of the children! Tayo, ang mga isko at iska, ang pag-asa ng bayan! Kung may hahadlang sa ating pag-unlad bilang mga tao sa mundo, aba'y wala talaga tayong mararating bilang isang bansa. No exaggerations!
End corruption and poverty! Fight for women and LGBT rights! Promote mental health! Pero most of all, support our aching backs by backing up the right solutions (like swivel chairs)! //ni Aldrich The Ocampo Krame
0 comments: