aerosmith,
Ano ang naging buhay ko?
Hindi ko ito inuusisa
sa masaganang araw
kundi sa
madilim,
malalim
at malamig
na kalawakan.
Nakatingin ako sa ngitngit na langit.
Ito na rin ang huling
pagkakataon
para usisain ang gabi.
Tanaw ko na ang paparating na
bukang-liwayway na tila bagong pahina
sa libro ng langit
kaya dali-dali ko nang binasa
ang mga nilalaman nito.
Tala
ako sa mata ng aking ina,
ng aking pamilya
at ng mga mahal ko sa buhay.
Marahil dahil tinitingala nila ako
bilang isang
mahiwagang
ningning
ng buhay nila
ngunit sa katunayan ay maliit lang
at kumukurap-kurap pa kung makapagbigay
ng ilaw na sa kahinaan ng kinang
ay wala nang saysay
at wala ring makakapansin
kung mapupundi maya-maya.
Espesyal ba ang isang tala?
Buwan
ako dahil
hindi ako tulad ng araw
na namuhay nang
ipinagbubunyi,
hinahangaan,
at kinasisilawan
palibhasa’y malaki, maliwanag at makapangyarihan—
perpekto at walang pagkakamali.
Sapat lang ang malamlam
na ningning ko upang ipakita
sa iba ang pabago-bago kong hugis
ang magaspang kong balat
maging ang mga pantal sa aking mukha.
Kahanga-hanga ba ang buwan?
Bulalakaw
ako na
nakaririnig ng ilan
sa inyong mabibigat
na hinaing
at hiling subalit hindi na madalas makita
o masilayan nang matagal
dahil sa hiya at takot kong
baka walang pangarap
na matupad.
Hindi niyo ako maaasahan.
May silbi ba ang bulalakaw?
Dapithapon
nang ipanganak ako at
dahil na rin
sa pagkagat ng
dilim,
hindi ako agad na nakita
sa liwanag.
Hindi ako agad na nakilala
sa aking pagkatao,
sa aking kakayahan,
at sa aking mga kahinaan
kaya’t nagmistulang
napakamakahulugan,
puno ng kagandahan at kasiya-siya
ang gabing paparating.
At ang bukang-liwayway,
itong aking natatanaw
na paglipat ng pahina ng langit
ang magiging hudyat
ng aking pagpanaw.
Ipinaaalala nito
ang gabing nagdaan,
nakitaan man ng dalisay at ganda
ay hindi pa rin naging makabuluhan.
Literary: Nang Inusisa Ko ang Gabi
Ano ang naging buhay ko?
Hindi ko ito inuusisa
sa masaganang araw
kundi sa
madilim,
malalim
at malamig
na kalawakan.
Nakatingin ako sa ngitngit na langit.
Ito na rin ang huling
pagkakataon
para usisain ang gabi.
Tanaw ko na ang paparating na
bukang-liwayway na tila bagong pahina
sa libro ng langit
kaya dali-dali ko nang binasa
ang mga nilalaman nito.
Tala
ako sa mata ng aking ina,
ng aking pamilya
at ng mga mahal ko sa buhay.
Marahil dahil tinitingala nila ako
bilang isang
mahiwagang
ningning
ng buhay nila
ngunit sa katunayan ay maliit lang
at kumukurap-kurap pa kung makapagbigay
ng ilaw na sa kahinaan ng kinang
ay wala nang saysay
at wala ring makakapansin
kung mapupundi maya-maya.
Espesyal ba ang isang tala?
Buwan
ako dahil
hindi ako tulad ng araw
na namuhay nang
ipinagbubunyi,
hinahangaan,
at kinasisilawan
palibhasa’y malaki, maliwanag at makapangyarihan—
perpekto at walang pagkakamali.
Sapat lang ang malamlam
na ningning ko upang ipakita
sa iba ang pabago-bago kong hugis
ang magaspang kong balat
maging ang mga pantal sa aking mukha.
Kahanga-hanga ba ang buwan?
Bulalakaw
ako na
nakaririnig ng ilan
sa inyong mabibigat
na hinaing
at hiling subalit hindi na madalas makita
o masilayan nang matagal
dahil sa hiya at takot kong
baka walang pangarap
na matupad.
Hindi niyo ako maaasahan.
May silbi ba ang bulalakaw?
Dapithapon
nang ipanganak ako at
dahil na rin
sa pagkagat ng
dilim,
hindi ako agad na nakita
sa liwanag.
Hindi ako agad na nakilala
sa aking pagkatao,
sa aking kakayahan,
at sa aking mga kahinaan
kaya’t nagmistulang
napakamakahulugan,
puno ng kagandahan at kasiya-siya
ang gabing paparating.
At ang bukang-liwayway,
itong aking natatanaw
na paglipat ng pahina ng langit
ang magiging hudyat
ng aking pagpanaw.
Ipinaaalala nito
ang gabing nagdaan,
nakitaan man ng dalisay at ganda
ay hindi pa rin naging makabuluhan.
0 comments: