DiMaAninag,

Spoof Literary (Submission): Mahal kong Déscartes

4/05/2019 09:57:00 PM Media Center 0 Comments




Mahal kong Descartes,

Ilang taon na tayong magkakilala. Hinding-hindi ka nawawala sa aking isipan. Sa ating nabibilang na mga araw, walang pagkakataon na naging “plane” ang ating matamis na pagsasama. 


Naalala mo ba noong nagbisect ang ating mga buhay sa isa’t isa? ‘Di ko malimutan ang iyong unang mga magigiliw na salita sa akin. Kahit ngayon, umaalingawngaw pa rin ang mga ito sa aking tainga, “Babe, you hot. Walang panahon na hindi ko hahanapin ang coordinates mo sa kahit anong quadrant *kindat*.” Ang lakas talaga ng... diskarte mo.



O, aking mahal na Descartes, nakaimprenta ang iyong geometric na mukha sa aking isipan. Mula sa iyong asymptotic na buhok, conic na ilong, solid figure, hanggang sa iyong parabolang ngiti, ‘di matutumbasan ang iyong angking kagwapuhan.



Sa ating pagsasama, napansin ko na marami akong ‘di maintindihan sa ugali mo. ‘Di ko maintindihan kung bakit nagtatapon ka ng mga mansanas sa sahig porket may isang sira na. ‘Di mo naman kailangan itapon para makita ang sira at hindi. Matamis pa rin naman ang karamihan ng mansanas, tulad lang ng iyong mainit na mga halik. 



Palagi mo rin akong tinatanong kung nandito ba talaga ako o niloloko ka lang ng mga pandama mo. Minsan naaasar ako rito. Sinusubukan kitang intindihin, pero paikot-ikot ka lang naman. Sa kabila nito, humihingi ka palagi ng tawad. Sinasabi mo, may Evil Genius sa iyong kaluluwa na pinapaduda kung tunay nga ba ang ating pagmamahal sa isa’t isa.

Descartes, kahit balang araw titigil nang gumana ang utak natin at mawawala tayo sa mundo, gusto kong tandaan mo, taos-puso kitang minamahal habang buhay pa ako. Descartes, I think I love you, therefore… I do.

Nagmamahal,
Ang Nagmamahal Sa’yo

You Might Also Like

0 comments: