filipino,
Sa tuwing ang buhay ay tila isang dapithapon
Na walang katapusa’t wala nang pinatutunguhan;
Sa bawat paghakbang ng iyong dalawang talampaka’y
Mapapaisip ka na lamang:
Itutuloy ko pa ba?
Para sa mga taong mas maaga pang gumigising
Sa mayuming pagsulyap ng araw;
Gagawin ang lahat upang matamo ang bawat hangarin
Ng mga anak na nagbibigay-ningning sa kanilang mga mata;
Para sa mga magulang na labis kung magmahal
Kumakayod kahit pinagkakaitan ng suweldong inaasam:
Sana’y magpatuloy kayo para sa aming nangangailangan—
Nangangailangan ng makalingang init ng suporta
Sa panahong nakagigipit na ang lamig ng aming pagkabahala.
Para sa mga hindi na halos nakauuwi ng bahay
Para lamang unahin ang kaluguran ng mamamayan;
Napapagod, nasisiil, nakukulong sa makitid na pananaw
Ng nakatataas na uri’t mapanghusgang mga diwa.
Para sa mga empleyado’t manggagawa
Na mas masikap pa sa takbo ng umaga:
Ipagpatuloy ninyo sana ang paglilingkod:
Ang pagpili ng wasto, ng mabuti, sa kabila ng kasakiman
Magpatuloy sana kayo para sa ikauunlad ng ekonomiya’t lipunan.
Para sa mga mahahaba ang pasensya,
Walang maliw na umaaruga sa aming musmos pa sa kaalaman at karunungan;
At patuloy na lumalaban kahit kapiranggot na lamang ang kinikita.
Sa mga guro na pinipiling manatili sa lupang hinirang:
Salamat, at sana’y magpatuloy kayo
Dahil ang kailangan ng mga pag-asa ng bayan ay ang matatapang tulad ninyo;
Kailangan namin ng magtutuwid sa aming landasing walang katiyakan.
Para sa mga estudyante ng UPIS—ang mga iskolar
Na mapalad sa mataas at makatotohanang edukasyon
Sa pribilehiyong gamitin ito upang iligtas ang bayang nanganganib
Ngunit napapagod na sa yagit na ibinabato ng pamahalaan;
Ikaw na nagbabasa nito,
Na nag-iisip kung ang pagkilos para sa karapatan at katarungan
Ang pinakaangkop na solusyon:
Sana’y ituloy mo habang may oras ka pang natitira.
Magpatuloy ka sana—
Para sa aming patapos na.
Literary: Para Saan?

0 comments: