jasmine esguerra,
Hindi pinalad ang University of the Philippines Integrated School (UPIS) Junior Fighting Maroons kontra Adamson University (AdU) Baby Falcons sa kanilang unang laro sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 81 noong Nobyembre 11 sa Ateneo Blue Eagle Gym, Katipunan Avenue.
Matapang na hinarap ng Junior Maroons ang unang kuwarter ng laban ngunit napag-iwanan ng mga tira ng Baby Falcons. Sinubukang isalba ng mga tres nina Jordi Gomez de Liaño at Ray Allen Torres ang UPIS pero kapos na kapos sa wakas na 23-10, pabor sa AdU.
Pinangunahan pa rin ng Baby Falcons ang ikalawang kuwarter sa kanilang matibay na depensa na hirap lusutan ng Junior Maroons. Hindi sumuko ang UPIS sa pagpipilit na makapuntos, ngunit kung hindi bitin ang mga tira, nasapawan naman ito ng kalaban. Pinagsikapang sagipin ng trio nina Abel Lopez, Gomez de Liaño, at Torres ang Maroons gamit ang kanilang three-point shots pero natapos ang first half sa 45-26, lamang pa rin ang Falcons.
Nag-init na ang UPIS sa ikatlong kuwarter at mas pinatindi ang kanilang opensa. Mahusay ang duo nina Polo Labao at King Vergeire na naging daan upang makaahon ang team mula sa pagkatambak. Nagwakas ang kuwarter na pitong puntos na lang ang angat ng kalaban, 59-52.
Pilit na nag-ungusan ang dalawang koponan sa huling yugto. Bakas ang pagpupursigi, napaliit ng Junior Maroons sa apat na puntos ang lamang ng katunggali. Subalit binawian naman sila nito sa sunod-sunod na pag-shoot na nauwi sa pinal na iskor na 78-66.
“We didn’t start well and nahabol namin sila sa 3rd quarter. Du’n namin na-realize na kaya naming [makipag-compete] sa malalakas na team,” ani Torres, ang highest pointer ng Junior Maroons na lumikom ng 21 puntos.
“Naging challenge sa ’min ‘yung getting back to the game kahit na tambak kami no’ng una. We need to be more aggressive on rebounding and defending the paint kasi maliit kami, e,” dugtong pa niya.//nina Pauline Demeterio at Jasmine Esguerra
Sports: UPIS Basketball Team, sumabak na sa UAAP Season 81
DISKARTE. Nagpaplano ang UPIS Junior Fighting Maroons sa kanilang timeout. Photo credit: Fatima Wadi |
Matapang na hinarap ng Junior Maroons ang unang kuwarter ng laban ngunit napag-iwanan ng mga tira ng Baby Falcons. Sinubukang isalba ng mga tres nina Jordi Gomez de Liaño at Ray Allen Torres ang UPIS pero kapos na kapos sa wakas na 23-10, pabor sa AdU.
TIBAY. Matinding dinedepensahan ni Labao ng UPIS ang bola laban kay Prodigo ng Adamson. Photo credit: Fatima Wadi |
Nag-init na ang UPIS sa ikatlong kuwarter at mas pinatindi ang kanilang opensa. Mahusay ang duo nina Polo Labao at King Vergeire na naging daan upang makaahon ang team mula sa pagkatambak. Nagwakas ang kuwarter na pitong puntos na lang ang angat ng kalaban, 59-52.
Pilit na nag-ungusan ang dalawang koponan sa huling yugto. Bakas ang pagpupursigi, napaliit ng Junior Maroons sa apat na puntos ang lamang ng katunggali. Subalit binawian naman sila nito sa sunod-sunod na pag-shoot na nauwi sa pinal na iskor na 78-66.
SIGLA. Kumakaripas ng takbo si Torres ng UPIS laban kay Padilla ng Adamson. Photo credit: Fatima Wadi |

0 comments: