alex yangco,
Idinaos ng samahang iskawting ng University of the Philippines Integrated School (UPIS) ang taunang investiture noong Setyembre 28 sa Grado 3-6 Bulwagan para sa Boy Scouts of the Philippines (BSP) at noong Oktubre 24 sa Grado 7-12 Gymnasium para sa Girl Scouts of the Philippines (GSP).
Layunin ng seremonya na italaga ang mga kalahok na mag-aaral bilang mga opisyal na kasapi ng samahang iskawting na inaasahang isasabuhay ang panunumpa at batas ng iskawt.
Nagsagawa ang BSP ng investiture camp matapos ang programa upang mas makilala ang isa’t isa lalo na ang mga bagong miyembro. Nagbigay ito ng patikim sa mga bagong kasapi ng kanilang mararanasan sa mga darating na camping ng organisasyon.
Sa kabilang banda, hindi nagsagawa ng investiture camp ang GSP ngunit nagkaroon ng pagbabago sa kanilang uniporme. Ipinatupad na noon ng Quezon City Council ang pagpapalit ngunit ngayon lamang naisakatuparan ng paaralan.
Para kay Willem Rollon na naitalagang bagong Phoenix ng BSP, “Matino at maayos naman ang daloy ng nangyaring Investiture at para naman sa nangyaring camp ay nagkaroon [ako] ng panibagong perspektiba dahil sa bagong posisyon.”
Ayon naman kay Julianne Todas na isang bagong Cadette, “Nasiyahan [ako] sa karanasan dahil matagal [ko] na hinintay na maging Cadette at inaasahan na magiging mahirap ang mga pagpaplano para sa mga aktibidad, pero magiging sulit kapag natapos at nagawa nang maayos.”//nina Roel Ramolete at Alex Yangco
Pagtatalaga ng mga iskawt, muling isinagawa

0 comments: