filipino,

Literary: Langit

11/24/2018 08:44:00 PM Media Center 0 Comments



Tuwing ang araw ay puno ng pait
Ikaw ang unang lalapitan
Kukuwentuhan ng ukol sa kahit ano
Ibabahagi sa ‘yo ang sakit

Kung may bahid naman ng lungkot
Ikaw ang unang iiyakan
Lulunurin sa luha’t pighati
Ngunit lilisan sa oras na tumahan

Kung nag-aapoy na galit ang nadarama
Sisigaw ng masasakit na salita
Babatuhin ka ng mga sumpa at reklamo
Sisisihin sa kamalasang nararanasan ko

Ikaw ang aking tanging tagapagligtas
Sa aking pagtingala, pakiramda'y gumiginhawa
Ang iyong bughaw na yakap
Ang tangi kong hanap

Ngunit sa mga panahon ng tagumpay
Saya, tuwa’t galak
Di kita kilala
Sapagkat ang silbi mo’y tapos na

You Might Also Like

0 comments: