ronnie bawa jr,

Sports: Girl Junior Tankers, 2nd runner-up ng UAAP Season 81

11/23/2018 08:25:00 PM Media Center 0 Comments


GILAS. Abot-tainga ang ngiti ng UPISVST matapos ang kompetisyon. Photo credit: Swim Philippines
Pumangatlo sa puntos na 314 sa overall ranking ng Junior Girls Division ang University of the Philippines Integrated School Varsity Swimming Team (UPISVST) sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 81 nitong nakaraang Nobyembre 8 hanggang 11 sa Rizal Memorial Sports Complex, Maynila.

Pinangunahan ni Junior Tanker Zoe Hilario ang paglikom ng mga medalya’t puntos. Nakahakot siya ng limang gold mula sa limang solo events—200m medley, 200m backstroke, 100m backstroke, 400m medley, at 50m backstroke—at dalawang silver mula naman sa 200m freestyle at 100m freestyle. Siyamnapu’t siyam (99) na puntos o halos 1/3 ng kabuuang iskor ng koponan ang nagmula sa kaniya.

Hinirang naman bilang Rookie of the Year si Junior Tanker Alexa Natividad ng Grado 7 na nakapag-ambag ng limang puntos at nakapag-uwi ng isang gold mula sa 4x50m medley relay kasama sina Chelo Neri, Franz Joves, at Julie Anne Mapa; at bronze galing naman sa 400m medley relay kasama sina Chesca Joves, Mae Rodgers, at Mapa.

“Hindi ko in-expect na maging Rookie [of the Year] sa totoo lang. Makapag-finals lang at masaya na ako do’n,” panayam kay Natividad.

“Masaya na rin ang buong team dahil underdog ako sa finals at hawak pa rin ng UP ang pagiging Rookie [of the Year],” dugtong pa niya.

Matatandaang si Neri (Grado 8 na ngayon) ang itinanghal na Rookie of the Year noong nakaraang season.

Naging simple lamang ang ginawang paghahanda ng koponan upang hindi ma-pressure pagdating ng UAAP.

“Nag-train lang regularly and as much as possible hindi mag-absent sa training kahit maraming homeworks,” ani Hilario.

Ang nanguna sa overall ranking sa Girls Division ay ang De La Salle University Junior Green Tankers na nakakuha ng 398 puntos na sinundan ng University of Santo Tomas Junior Tiger Sharks na naka-319.

Kasamang lumaban ng Girl Junior Tankers ang Boy Junior Tankers na umabot hanggang sa finals ngunit hindi pinalad na makasungkit ng medalya.

Kasama rin ng Junior Tankers ang kanilang Senior Tankers na pumangalawa sa Women’s Division overall ranking, 352 puntos.

Narito ang listahan ng mga nakakuha ng medalya:

Franz Joves
Gold-        200m medley relay
Silver-      400m freestyle relay
Bronze-    400m freestyle relay
                 200m freestyle relay
                 50m backstroke

Chesca Joves
Bronze-     400m freestyle relay
                  200m freestyle relay
                  400m medley relay
                  200m backstroke
                  100m backstroke

Mae Rodgers
Bronze-     400m medley relay
                  200m freestyle relay

Alexa Natividad
Gold-        200 medley relay
Bronze-    400m medley relay

Jullie Anne Mapa
Gold-        200m medley relay
Bronze-    200m medley relay
                 400m freestyle relay
                 400m freestyle relay

Chelo Neri
Gold-        200m medley relay
Silver-      200m freestyle relay
Bronze-    200m breastroke
                 400m freestyle relay

Zoe Hilario
Gold-        400m individual medley
                 200m individual medley
                 200m backstroke
                 100m backstroke
                 50m backstroke
Silver-      200m freestyle
                 100m freestyle

Chloe Fabic
Bronze-     400m individual medley

Charlaine Esmero
Silver-     200m backstroke
                100m backstroke

Angela Torrico
Silver-      400m freestyle relay

Rikki Melencio
Silver-      400m freestyle relay

//ni Ronnie Bawa Jr. 

You Might Also Like

0 comments: