angel dizon,
Nakamit ng University of the Philippines Integrated School (UPIS) Junior Fighting Maroons ang ikatlong puwesto sa 19 under (19U) division para sa kabuuan ng Sulit.ph Breakdown Basketball Invitational (BBI) Tournament 2018.
Nagkampeon sa dibisyong ito ang University of Santo Tomas (UST) Tiger Cubs at pumangalawa ang College of San Benildo-Rizal (CoSB-R) Blazing Wolves.
Kabilang si Polo Labao at ang team captain na si King Vergeire sa Mythical 5 para sa 19U division. Kasama nila rito sina Joaquin Damiles ng De La Salle Zobel (DLSZ), Bismarck Lina ng UST, at Lenard Parial ng CoSB-R.
Napabilang din si Fighting Maroon Aldous Torculas sa Mythical 5 para naman sa 17 under (17U) division.
Inuwi rin nina Vergeire (19U) at Torculas (17U) ang titulong Most Valuable Player (MVP) dahil sa ipinakita nilang husay sa paglalaro sa buong torneo.
Anim sa walong kalabang koponan ang napatumba ng Junior Maroons sa 19U division: Treston International School, Rich Golden Shower Montessori Center (RGSMC), AMA University, Arellano University, Mapua University, at CoSB-R. Natalo sila sa UST at DLSZ. Nakaharap nila muli ang San Benildo dahil sa tabla ngunit nabigo sa huli nilang pagtutunggali.
Para naman sa 17U division, lima sa pitong kalaban ang nagapi ng Maroons: Treston International School, OB Montessori Center, Inc., RGSMC, Arellano University, at St. Anthony School. Di sila nagtagumpay kontra sa AMA University at sa huling laro laban sa Arellano University.
Ayon kay Vergeire, “Winning is the best feeling for every athlete. Siyempre, we always want to get the dub. It all starts in practice. In practice, we correct our mistakes as a team and as an individual so that when game time comes, we know what to do.”
Ngayon naman ay magiting na hinaharap ng koponan ang mga laban sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 81. Una nilang nakasagupa ang Adamson University Baby Falcons noong Nobyembre 11 at sumunod ang UST Tiger Cubs noong Nobyembre 18, kapwa sa Blue Eagle Gym, Katipunan Avenue.//nina Pauline Demeterio, Jasmine Esguerra at Angel Dizon
Sports: Junior Fighting Maroons, nasungkit ang bronze sa BBI

0 comments: