filipino,
Clash For a Cause, isinusulong
Clash For a Cause. Larawang inilabas ng ASE Track para mapalaganap ang balita tungkol sa kanilang pangangalap ng donasyon. Photo credit: Applied Sciences and Engineering Track
Kasalukuyang idinaraos ng Applied Sciences & Engineering Track (ASE) Batch 2021 ang isang donation drive na pinamagatang “Clash for a Cause.”
Sinimulan ang drive noong Oktubre 3 kung saan inanunsyo sa kanilang UPIS AppSci Twitter and Facebook page ang tungkol sa kanilang adhikain. Magtatapos ang naturang gawain ngayong darating na Oktubre 31.
Sa pagbuo ng kanilang donation drive, kumuha ang ASE ng inspirasyon mula sa “Clash”, isang event na kanilang pinamunuan sa nagdaang UPIS Fair.
Layunin nitong matulungan ang mga mag-aaral sa UPIS na matugunan ang kanilang mga pangangailangan para sa online learning setup. Ang halagang malilikom ay ibibigay bilang donasyon sa Parent-Teacher Association (PTA) Fund na ipambibili ng mga kagamitang kailangan ng mga mag-aaral. Isinusulong din sa naturang gawain ang adbokasiyang #NoStudentLeftBehind.
Upang makapanghikayat na magbigay ng donasyon, nagdaos din sila ng paligsahan sa larong League of Legends na binuksan para sa lahat ng mag-aaral at Alumni ng UPIS. Ginanap ang paligsahan gamit ang double elimination format kung saan binibigyan ng isa pang pagkakataon ang mga natalong koponan bago sila tuluyang mawala sa paligsahan.
Nakatanggap ng Php 300.00 ang grupong Imagine Losing (UWU) na binubuo nina Chi Agapito, Jason Amor, Yuri Bustamante, Kim Gabriel at Karl Vergel ng Batch 2024. Sina Aldrich Agad, RL Calayan, Blaine Cosico at Ronnel Fernando mula sa Batch 2021 kasama si Jastin Cruz ng Batch 2020 naman ng grupong Nighthawx (NH) ang nagkamit ng unang gantimpala na nakatanggap ng Php 700.00.
Bukod sa pagdaraos ng paligsahan, nakipagtulungan din ang ASE sa negosyo ng ilang mag-aaral at Alumni ng UPIS. Kabillang dito ang Cream n’ Crumble, Layer’d MNL, Chef Eko’s Makizushi, Raincelets by Rain Fagela Tiangco, The Baking Lounge PH, at The Heirloom Oven na magbibigay ng bahagi ng kanilang kinikita sa donation drive habang idinaraos ito.
“You don’t have to come up with something big or special to make a difference! Small, genuine acts build up on themselves. I think what matters most is that you always keep in mind why you’re doing what you’re doing , and never let setbacks or shortcomings hold you back, “ saad ni Bree Catibog, track representative ng UPIS ASE batch 2021.
Para sa lahat ng related links, maaaring puntahan ang https://clashforacause20.carrd.co.
//ni Rochelle Gandeza
0 comments: