collaboration,
Dear Kupido J Buckets,
Bakit po ganoon? Hanggang ngayon single pa din ako? Maganda naman ako, sexy, nakakatawa at mabait. Pero bakit lagi akong sawi? Bakit ako lagi ang iniiwan? Bakit kailangan ako lang parati ang nasasaktan? Bakit?
Baliko ba yang pana mo? Para kasing tuwing pumapana ka ng lalaking para sa akin ay tumatama sa iba. Okay sana kung lalaki kaya lang bading ang tinamaan, kung di naman bading, may girlfriend naman. Papagawan na ba kita ng salamin sa mata? Nang minsan naman ay masakto mo sa lalaking tunay na magmamahal sa’kin ‘yang pana ng pag-ibig mo.
Hindi naman ako naghahangad ng masyado. Okay na ako sa lalaking matangkad, mga 5 11' ang height, matangos ilong, naka-undercut, blue eyes, may abs, marunong kumanta at maggitara, may timbang na di lalampas sa 70 kg, may bigote at magaling sa Math. Kahit yan lang, okay na ko.
Hindi naman sa nagmamadali ako, pero sana po kupido ay bilis-bilisan mong maghanap ng target kasi halos 1 linggo na lang, araw na ng mga puso. Pagod na akong magdiwang ng mag-isa. Yung tipong manonood ka ng sine, wala kang kasama, walang bibili ng popcorn para sa'yo, walang maghihintay sa labas pagkatapos mo mag-CR, wala kang masasandalan sa jeep pag inaantok ka na.
Sa hinaba-haba nitong sulat ko, ni hindi ko alam kung totoo ka ba o kathang-isip. Pero ito ako, sumusulat pa rin sa’yo. Umaasa na kahit kaunti mapagbigyan mo itong mga hiling ko at masagot mo itong mga tanong na napakatagal ng nakaimbak sa puso ko.
Nagmamahal (pero laging sawi at konti na lang mapapagod na itong isip at puso ko),
Dimples
Dear Dimples,
Alam kong ika'y isang napakagandang babae sapagkat ang katulad mo ay mahirap mahanap." One in a million" kumbaga. At sa aking palagay you deserve the best, nothing but the best. Ngunit pagpasenyahan mo sana ako, dahil hindi ko rin alam ang mga tiyak na kasagutan sa mga tanong mo. Basta't ang alam ko lang, kapag para sa iyo ang isang tao, dumaan man ang lahat ng problema ay mananatili ito sa tabi mo kahit anong mangyari. Kaya't kung lagi kang iniiwan ng mga lalaking sinasabi mo, baka ito ay dahil hindi pa tama ang oras at hindi pa din sila ang Mr. Right mo.
Hindi naman baliko ang pana ko at malinaw naman ang mata ko. Sa tingin ko nga ay iyang puso mo ang malabo ang paningin dahil hindi sa mga lalaking minahal mo nakatutok ang pana ko. Mali lang siguro ang tingin ng puso mo. Masyado ka kasi yatang nagmamadali sa pag-ibig kaya nakakalimutan mong hindi ito dapat hinanahanap dahil ito ay kusang dumarating, biglaan at walang pasabi. Baka nga katabi mo na pala sya, hindi mo lang namamalayam dahil tutok ka sa pagtingin sa kagandahang lalaki at di mo na napapansin ang kagandahang loob ng isang lalaki.
Hindi lingid sa akin na isang linggo na lang ay araw na naman ng mga puso. Alam na alam ko iyan dahil milyong-milyong sulat na naman kagaya nito ang dumarating sa opisina ko. Kaya't humihingi ako ng pasensya kung hindi ko agad agad napagbibigyan ang mga hiling nyo. Nag-iisa lang kasi ako at pitong bilyon kayong mga taong naghahangad magmahal at mahalin. Kung kaya ko lamang na tuparin agad agad ang lahat ng iyon ay gagawin ko talaga. Ngunit naniniwala ako na ang lahat ng bagay ay may tinakdang oras, perfect timing kumbaga, kaya't sana'y makapaghintay ka pa ng kaunti. Sa ngayon, ipagdiwang mo muna ang araw ng mga puso kasama ng pamilya't kaibigan mo na mahal ka ng buong buo at hindi ka iiwan.
Sana'y di ka na malumbay. Huwag kang mag-alala, sa maniwala ka man o sa hindi, alam ko ang tadhana mo. Mayroon na akong nakitang lalaking para sayo. Tamang oras na lang ang hinihintay ko. Pagkatiwalaan mo sanang muli ako at ang pana ko.
Nagmamahal,
Kupido J Buckets
Literary: Dear Kupido

-----

0 comments: