filipino,

Literary: Salamat x Walang Anuman

2/04/2016 08:19:00 PM Media Center 0 Comments




Salamat
Rainbow Pig

Di ko inaasahang mahuhulog ako sa’yo
Di ko alam kung ang nararamdaman ba’y totoo
O dala lang ng pagkawasak ng puso ko
Ang malinaw, pag nariyan ka ay masaya ako

Kapag nalulumbay ako, nariyan ka
Magbibiro para ako’y mapatawa
Ayaw mong malungkot ako
Kaya sa pagpapatawa, hindi ka sumusuko

Di mo ako maisantabi
Lalo na kapag walang ngiti sa aking labi
Minsa’y nasusungitan pa kita
Pero ikaw pa ang humihingi ng pasensya

Sino ba namang di mahuhulog sa’yo?
Kahit di ka bangin, nahuhulog ang damdamin ko sa iyo
Bonus na lang kung tutuusin ang iyong itsura
Siguro nga’y nakamamatay na kung ika’y pupustura pa

Sa haba ng papuri ko sa’yo
Isa lang naman ang sasabihin ko—
Salamat.
Dahil kahit alam mo na ang aking lihim
Di pa rin nagbabago ang pakikipagkaibigan mo sa akin.



Walang Anuman
Grande

Di ko alam kung ano ang gagawin ko
Di ko alam kung ano ang mararamdaman ko
Dahil kaya kaibigan lang ang tingin ko sa’yo?
Pero di ko kayang mawala ka sa mundo kong ito

Kapag ikaw ay nakasimangot,
Nagmumukmok at nakabusangot
Gagawin kahit anong pagkiliti
Makita lamang ang iyong mga ngiti

Walang araw na ‘di kita hinanap
Kasama ka na yata sa aking mga pangarap
Kahit na alam kong magsusungit ka
Ako pa rin ang nasa tabi mo at wala ng iba

Nang malaman kong may pagtingin ka sa akin,
Naitanong ko kung anong ginawa ko at nahulog ka sa akin?
‘Di naman ako kagwapuhan tulad ni James Reid
Pero bigla mong sinabi, “You’re the only one I need.”

Sa tagal ng pagiging magkaibigan natin
Isa lang ang maisasagot ko sa’yo:
Walang anuman
Kahit nasabi mo na ang iyong lihim
Di magbabago ang pagkakaibigan natin.

You Might Also Like

0 comments: