crescencia,
Mamahalin kita
Dahil ‘di ka perpekto
Tatanggapin kita,
Nang buong buo
At wala nang kailangang baguhin pa,
Pagkat sa iyo lang, ako’y masaya na.
Mahal kita.
Sapagkat hindi ka sila,
Hindi ka pangkaraniwan at tulad ng iba,
Totoong pagkatao'y di ikinahihiya,
Tunay kang kahanga-hanga.
Ikaw na, wala nang iba.
Ngunit,
Minahal kita,
Sapagkat ang pagtingin kong ito,
Ay dapat kalimutan na,
Dahil sino nga ba ang isang tulad ko
Para iyong mapansin at mabigyang halaga?
Nakakalungkot man ay mukhang hanggang dito na lang ako
Pagkat sapat nang minahal kita,
Kahit na ang puso mo ay pag-aari na ng iba.
Literary: Sa Nagmamahal
Mamahalin kita
Dahil ‘di ka perpekto
Tatanggapin kita,
Nang buong buo
At wala nang kailangang baguhin pa,
Pagkat sa iyo lang, ako’y masaya na.
Mahal kita.
Sapagkat hindi ka sila,
Hindi ka pangkaraniwan at tulad ng iba,
Totoong pagkatao'y di ikinahihiya,
Tunay kang kahanga-hanga.
Ikaw na, wala nang iba.
Ngunit,
Minahal kita,
Sapagkat ang pagtingin kong ito,
Ay dapat kalimutan na,
Dahil sino nga ba ang isang tulad ko
Para iyong mapansin at mabigyang halaga?
Nakakalungkot man ay mukhang hanggang dito na lang ako
Pagkat sapat nang minahal kita,
Kahit na ang puso mo ay pag-aari na ng iba.
Mamahalin kita
Hangga’t nagmamahal ako,
Dahil ikaw lamang
Ang bulong nitong puso ko.
Mamahalin kita kahit nasasaktan ako,
At kahit nangangarap lamang ako.
Mahal kita,
Dahil iba ka sa kanila.
Tinuruan mo akong magpakatotoo.
Nakilala ko ang sarili ko,
At tinanggap mo ako nang buong-buo.
Ngunit,
Minahal kita,
Kahit masakit na mabigo nang paulit-ulit.
Hanggang kailan ako aasa?
Sino ba naman ang isang tulad ko
Para mapansin at ibigin mo?
Sapat nang minahal kita.
Hindi na ako muling aasa.
0 comments: