barcode,

Literary: Dahil Sa'yo x Ikaw Pa Rin

2/04/2016 08:46:00 PM Media Center 0 Comments



Dahil Sa'yo
Hashtag

Buti na lang at nagsalita ka
Nagkaroon na rin ako ng makakasama

Buti na lang at nagpakilala ka
May bago na akong kaibigan

Buti na lang at pinasaya mo ako
At nahanap ko ang kaligayahan

Buti na lang at minsa'y ako ang pinili mo
Natutuhan ko rin kung paano magmahal

Pero

Sana hindi mo ako iniwan
‘Di sana ako umasa

Kaya

Kung di ka na lang nagsalita
Siguro tahimik ang buhay ko ngayon

Kung di ka na lang nagpakilala
Di siguro gugulo ang utak ko

Kung di mo na lang ako pinahalagahan
Di sana kita hinahanap ngayon

At kung ‘di ako ang pinili mo
Masaya siguro ako ngayon



Ikaw Pa Rin
Barcode

Simula noong sabihin kong “ayoko na”
Nagulo ang buhay ko

Simula noong nagpaalam na ako sa iyo
Nalito na ang puso’t isip ko

Simula noong pinaiyak kita
Nagsisi noon at nagsisisi pa rin hanggang ngayon

Simula noong ipagpalit kita
Naramdaman ko kung gaano kahirap mag-isa

Pero

Nagkamali ako sa pagdurog sa puso mo
Dahil puso ko’y ikaw pa rin pala ang nilalaman

Kaya

Babawiin ko ang mga salitang nasabi ko
At muli kitang sasamahan

Hihingi ako ng tawad sa pag-iwan sa iyo
At muli kitang dadamayan ng higit sa isang kaibigan

Pupunasan ko ang mga luhang idinulot ko
At muling ibabalik ang ngiti sa iyong mga labi

Hihiling sa iyo ng isa pang pagkakataon
Muli kang pipiliin at patutunayang
Higit na masaya kung tayong dalawa ang magkasama

You Might Also Like

0 comments: