filipino,
Ang bilis pala ng panahon. Matatapos na pala ang 3rd quarter. Tapos UAAP na! Tapos Prom na!!! Grabe. Pero iniisip ko nga, it's now or never. Kasi alam ko na marami akong kailangang lagpasan bago makarating sa'yo. Pero mag-aaral na muna ako, pagbutihin ko ko muna ang mga quiz at requirements para sa araw na ‘to.
Dahil eto na. Today is the day! Ito na ang araw kung kailan maririnig ko ang matamis mong “Oo” o kaya ang masakit mong “Hindi.”
-----
Huling subject na! Pero yung isip ko lumilipad na sa gagawin ko mamaya. Naibalik lang ako sa kasalukuyan nang makita ko sa desk ko ang test paper. Di ko namalayan na binigay na pala ang paper sa'kin at kanina pa nagsimula yung test. Tinawanan ko na lang ang sarili ko eh. Akala ko ba focus muna? Hay nako! Nababaliw na yata ako.
Ngunit, sa totoo lang, kahit ilang beses kong sabihin na magfofocus muna ako sa acads, ikaw pa rin ang nasa isip ko. Mas kinakabahn pa nga akong malaman ang sagot mo kaysa sa mga sinasagot ko dito sa test na ‘to.
"Last 5 minutes!"
Mas lalo na akong kinakabahan. Bawat segundong lumilipas nadadagdagan ang bilis ng tibok ng puso ko. Naalala ko bigla 'yung mga pinagdaanan ko bago ako nakumbinsing gawin ito. Tuwing madadananan ko mga kaibigan mo, sinasabi nila sa'kin:
"Uy, dali naaaa huuuyy!"
"Bilis na!!! Alam naman namin gusto mo eh.”
“Baka maunahan ka pa, ano ba!!!"
Nginingitian ko lang sila. Kasi naisip ko, bakit ko pa lolokohin ang sarili ko. Gusto ko naman talaga. Kaya lang natatakot akong malaman yung sagot mo. Kung mag 'no' ka man, okay lang sa'kin pero sana hindi maging awkward sa'ting dalawa. Yun lang naman ang dahilan kung bakit nagdadalawang isip ako. Ayokong magbago ang pagkakaibigan natin.
"Okay class, ipasa na ang questionnaire at answer sheet."
Malapit na talaga! Kung ano-ano na yung pumapasok sa isip ko. Ano na ang gagawin ko? Ready na ba ang lahat? Ready na ba ako?
Pero inuulit ulit ko sa sarili ko na: 'It's now or never.' Kasi kapag di ko ginawa or maunahan ako, alam kong magsisisi ako. Trust me, I know.
Dali-dali akong bumaba sa 1st floor. Buti na lang pinayagan akong gamitin yung room na 'yon para dito. I cannot think of a better place kasi doon talaga nagsimula ito—kung bakit ganito ang nararamdaman ko at kung bakit ganito ang gagawin ko.
Pagdating ko sa room, tinignan ko kung okay na yung lahat ng kailangan ko. Plano ko dapat kumanta eh, pero di naman maganda boses ko.. Baka masira lang yung moment. Kaya nanghiram na lang ako ng speakers. Buti nalang talaga ang dami kong mababait na kaibigan. Sinabi ko sa kanila na idistract ka habang nagseset-up ako.
Sa wakas, dumating na 'yung oras. Ito na talaga! Tinext ko na sila.
"Okay na!!"
"Oks oks. Ready ka na?"
"Sa totoo lang hindi eh pero bahala na ASHDLAHSDLKHQW HAHAHAHAHAHAH"
"Papunta na kami!!!"
Nangyayari na ba talaga 'to? Grabe na yung tibok ng puso ko! Pero wala nang balikan 'to. Sa pagmamadali ko nilagay ko sa shuffle ang music player tapos random yung kanta na tumugtog. Pero wala na akong oras para pumili pa kaya inihanda ko na lang ang sarili ko.
Minsan oo, minsan hindi… minsan tama, minsan mali…
Grabe yung pakiramdam ko! Sa lahat ng pwedeng kanta, ito pa yung tumugtog. Socials kasi talaga ang naaalala ko tuwing naririnig ko ito. Nang matapos ang kanta nung gabing iyon, sobra-sobra ang pagsisisi at panghihinayang ko. Sinabi ko sa sarili kong hindi ko na palalagpasin ang mga susunod na pagkakataon na maibibigay sa akin.
Tumingin, sa'king mata. Magtapat ng nagdarama.
Bumukas ang pintuan. Agad kitang nasulyapan. Biglang tumahimik ang lahat at ang kantang Sa’yo lang ang naririnig natin. Wala akong imik, as in. Tila ilang minuto ang lumipas nang nakangiti lang ako sa’yo. Yung tipong ngiting hindi mo alam kung bakit pero hindi mo napigilan.
Hinugot ko na lahat ng lakas ng loob ko at sa wakas tinanong ko na sa’yo:
“Will you go to prom with me?"
“Basahin mo, now na,” sabi sa akin nang ibinigay itong submission mo para sa next pub. “Kailangan na kasi niyan ng sagot ngayon.” Nagtaka ako. Bakit now na kailangan ng sagot? Hindi ba pwedeng mamaya na lang or bukas?
Pero di na ko nagtanong kung bakit kailangan ngayon na, binasa ko na lang.
“Tara, sama ka sa ‘min,” bigla kong narinig sa kalagitnaan ng pagbabasa ko. Inangat ko ang aking ulo at nakita ko ang mga kaibigan mong nakangiting nakatingin sa akin. Tapos sinamahan nila akong maglakad papunta sa room na nilarawan mo sa kwento.
“Saan yun???” sabi ko sa sarili ko. Hindi ko agad naisip ang tinutukoy mo. Wala talaga akong idea nung una.
Sa totoo lang, nung ibinigay sakin ‘tong binabasa ko ngayon, akala ko hindi ikaw ang sumulat. Filipino kasi eh. Alam ko namang ayaw na ayaw mong nagsusulat ng hindi English, kaya nagtaka ako. Medyo nag-away pa nga tayo last time dahil gusto kong Filipino ang collab natin, pero ayaw mo.
“Hala, ano ‘to?”
“Bakit kailangan nito ng sagot?”
“Huh? Di ko gets!”
Puro ganyan ang nasa isip ko habang naglalakad kami. Patuloy kong binabasa ‘to, at patuloy kong iniisip bakit ito nangyayari? Anong meron? Bakit ganito? Bakit ngayon? Hay. Bakit ang dami kong tanong?! Basta kinabahan akong bigla, hindi ko alam kung bakit. Na-feel ko na kasi na may mangyayari kasunod nito lalo pa at maaga kaming dinismiss sa klase.
Papalapit na kami sa room, at bigla kong narinig ang kantang Sa’yo. Naaalala ko pa rin yung moment na yun noong socials. Matinding pagsisisi raw ang naramdaman mo. Pero kasi naman, sino bang hindi manghihinayang doon? Na sa’yo na, nandiyan na, pinakawalan mo pa. Kaya naintindihan ko na kung bakit sabi mo na hindi mo na papalagpasin ang anomang pagkakataon na darating.
“Ahhhhh, dito. Gets ko na,” naisip ko noong na-figure out ko na kung saan kami patungo. At bigla kong naintindihan. Kung bakit dito, bakit ganito ang pinili mong gawin, at kung bakit ako.
Nandito na. Saktong sakto, kakatapos ko lang din basahin ang huling linya sa lit mo. At sa oras na ito, hindi ko malaman kung anong mararamdaman ko. Parang halo-halo ang lahat ng emosyon. Lahat ng pwedeng maramdaman, naramdaman ko. Parang kasi hindi pa nagsisink in.
Ayan na, binuksan na nila yung pinto.
Pumasok ako ng room, agad kitang nakita. Agad ko ring natandaan ang unang beses nating pumasok dito. Lumabas sa utak ko ang itsura nito dati. Ganoon pa rin, ngunit ngayon, tayong dalawa na lang ang tao dito.
Nakatayo ka, nakangiti. At sa mga sandaling ‘yon, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ko kasi inakalang gagawin mo talaga. Alam kong inaasar at pinupush ka ng mga kaibigan ko, pero naisip ko na hanggang doon lang ang lahat.
Lumakad ako palapit sayo. Ang tanging naririnig ko lang ay ang kanta at ang mga boses ng mga kaklase mo sa labas. More than ten years na tayong magkakilala, pero never pumasok sa isip ko na balang araw, gagawin mo ‘to. Ang tagal na kasi nating magkaibigan, as in sobrang tagal na.
Hindi ka nagsalita (o hindi ko lang narinig ang sinabi mo). Hindi rin ako nagsalita (for a while). Tiningnan ko ang paligid at napangiti ako.
Una kong napansin yung banner, kung saan nakasulat yung favorite line mo sa tulang sinulat ko dati. Natuwa ako dahil ikaw ang nagsulat, kahit alam mong may mas igaganda pa ‘yun kung pinasulat mo sa iba. Sobrang na-appreciate ko yun.
May binigay kang flowers. At may nakapatong na pizza sa upuan. Hindi na ko nagtaka kung bakit pizza ang pinili mong ibigay. Lagi ko kasing namemention kapag nag-uusap tayo.
Hindi ko alam kung paano mo ‘to plinano. Yung magpa-excuse nga sa teacher para sa promposal, nakakahiya nang gawin, paano pa kaya yung mga pinagdaanan mo. Hindi ko rin alam kung paano ka nakahanap ng oras para magsulat, magplano at gawin ang lahat. Malapit na kasi yung perio at nakatambak talaga ang requirements na super lapit na ng deadline.
Hindi ka nagsalita, pero alam ko na yung tanong. Ang dami na nating pinagdaanan at sinulat nang magkasama, at dahil dito alam ko na rin ang sagot ko.
Tinignan kita, ngumiti, at sinabing:
“Yes.”
Literary (Submission): Room 115

0 comments: