filipino,
Literary (Submission): Pana ni Kupido
Sa malamig na simoy ng buwan ng Pebrero,
Ang magkakasintaha’y nagsisipaghahanda,
Ng mga mumunting regalo,
Para sa kanilang mga sinisinta.
Isang araw sa buwan ng Pebrero,
Ako’y napaisip, kung mayroon kaya?
Mayroon kayang isang mabuting ginoo,
Na magbibigay ng puti’t pulang rosas sa isang tulad ko.
Isang gabi sa buwan ng Pebrero,
Ako’y labis na abala sa pag-aasikaso.
Naghahanda ng sorpresa at panregalo,
Sa babaeng iniibig nitong aking puso.
Sa pagsapit ng araw ng mga puso,
Mga tao’y tila sabik ngunit kabado.
Makukulay na palamuting puso ang nakasabit,
at nakaririnig ng gitara, sabay ang pag awit.
Sa pagsapit ng araw ng puso,
Bawat isa’y may kanya kanyang pauso.
Harana dito, harana doon,
Sinusulit ng lahat ang bawat minuto.
Napakaraming nagaganap sa paligid.
Ang simoy ng hangi’y puno ng pag-ibig.
Sana ngayong araw ika’y aking makita,
Pero teka, nasaan ka na nga ba?
Magpapahuli ba ako sa kanila?
Ako’y handa na sa aking sorpresa—
tsokolate at mga rosas na kay pupula
Pero teka, nasan ka na nga ba?
Sa silid-aklatan, nakaupo akong mag-isa,
Aking mga kaibiga’y nagsialisan na.
Naisipan kong lumabas at mag-ikot,
Pero bakit ang taong hinahanap ay tila di sisipot?
Sinuyod ang bawat classroom.
Ipinagtanong ko na kung kani-kanino,
Hindi kita mahanap.
Bigo na nga ba ako?
Naiwang nakatayo sa balkonahe,
Habang nakatitig sa kawalan.
Unti-unting nawalan ng pag-asa,
Na may matatanggap pang regalo mula sa kanya.
Sa paghahanap ko sayo’y nawalan na ng pag-asa,
kasabay sa pagkatuyo ng mga rosas na kanina’y sariwa pa.
Sa balkonahe nais kong itapon na,
Ngunit ako’y nabigla nang matanawan ka.
Nabuhayan ang loob ng kita’y masilayan,
Ang ginoong akala kong din na ako pupuntahan,
At ako’y nabigla ngunit agad ring napangiti,
Sa mga matatamis mong salita na sa aki’y sinabi.
Tibok ng puso’y biglang bumilis.
Ang aking mga pinlano’y hindi rin nagamit.
Dalian ko na lamang ibinigay sa’yo ang mga regalo,
At sayo’y inamin ang nilalaman nitong puso ko.
At sa araw na ito nagsimula,
Ang bagong yugto at kabanata,
Sa buhay ng isang binibini at ng isang ginoo,
Na tila napana ni kupido sa araw ng mga puso.
0 comments: