aveleira,
Naaalala mo ba noong tayo'y mahiga-
Sa damuhan, sa ilalim ng buwan,
Magkahawak ang kamay, walang balak bumitaw,
pinagmamasdan ang mga talang tila pasayaw-sayaw.
Humiling tayo noon nang taimtim
Na sa agos ng buhay at tadhana,
Ay di sana tayo malimot ng panahon,
Sa piling ng isa't-isa.
Pakiramdam ko'y di na matatapos pa ang gabi,
At wala na akong iba pang iniintindi.
Ang alam ko lamang na sa sandaling iyon,
Ika'y habambuhay kong minahal, minamahal, at mamahalin.
Sariwa pa ang mga alaalang iyon,
At hindi na rin makalilimutan kailanman .
Di tulad mong iniwan ang aking tabi,
Nang nagpasyang matulog ang buwan.
At kahit ilan pang bukang-liwayway ang antayin,
At kahit sa pinakadulong bituin ka pa manggagaling,
Kung hindi ka man bumalik sa aking piling,
Tulad ko, nais ko lamang ay…
Mga tala sa kalawaka'y pagmasdan mo pa rin.
Literary (Submission): Talang-gunita

Sa lugar na iyon,
Ang kalawaka'y naging atin.
Sa sandaling iyon,
Lubos kitang minahal.
Ngunit kapalit ay paglimot,
Na sarili ko'y mahalin.
Nilisan kita sa pagbubukang-liwayway,
Habang nahihimbing,
Ibinulong ko sa'yo ang pangakong,
ika'y patuloy na mamahalin.
Baon ko ang init ng iyong kamay,
Sa gitna ng lamig buhat ng bawat gabi.
"Ikaw pa rin ang aking mahal at aking tala"
Paulit ulit kong nasasabi sa sarili.
Mapapatawad mo pa ba ako?
Kahit hindi sapat ang mga dahilan ko.
Hihingi ako ng tawad sa bawat pagsikat ng araw,
Maging sa gabing nagliliwanag ang mga tala at buwan.
At kahit ilan pang bukang-liwayway ang antayin,
kahit ika’y nasa ang pinakadulong bituin pa’y aking susuyuin,
Kung hindi mo man ako pabalikin sa iyong piling,
Tulad ko, ang nais ko lamang ay…
Mga tala sa kalawaka'y pagmasdan mo pa rin.
0 comments: