blank canvas,

Literary (Submission): Urong-Sulong

2/04/2016 09:28:00 PM Media Center 0 Comments




Kapag may pagkakataon na mapalapit sa’yo,
Laging nagtatalo ang puso’t isip ko.
Hindi ko alam ang aking uunahin,
Hangga't napagdesisyunang huwag na lamang gawin.

Sa tuwing nakakasalubong ka,
Tila napakaraming bumabagabag sa’yo,
Gustong gusto nang lapitan ka,
Ngunit tila iniiwasan mo ako

Hindi ko alam kung bakit ako ganito
Lagi na lang nangyayaring kapag papalapit na ako,
Hindi ko sadyang iwasan ka,
Sa tingin ko hindi pa ito ang oras na itinakda.

Naghihintay at nag-aabang
Kahit na mapansin mo man lang,
Isang “Hi” lang o “Hello”
Siguradong mangingiti na ako

Huwag ka sanang sumuko sa akin,
Kahit na binabalewala kita.
Hindi pa kasi ako sigurado,
Kung ito ba talaga’y totoo.

Pakatandaan mong maghihintay ako
Masakit mang mabalewala paminsan-minsan,
Di ko pa rin mapigilan ang pintig nitong puso ko,
Na ikaw ang ipinagsisigawan.

"Bata pa tayo," ang laging dahilan ko
"Marami pa tayong makikilala," dagdag ko
Hindi pa kasi ito ang tamang panahon,
Upang pumasok sa isang relasyon.

Kailanma’y di ka mamadaliin,
Gusto natin ang isa’t isa, iyon naman ang mahalaga,
Hindi man maging tayo,
Sapat nang mahalaga ako sa’yo.

Pareho tayong nasasaktan,
Ngunit mas nangingibabaw ang ating nararamdaman.
Kahit hindi tayo sigurado kung ito’y pang matagalan,
O panandalian lamang.

Wag ka nang maguluhan pa,
Alam kong natatakot ka.
Hindi naman kita pipilitin,
Na ang iyong nararamdaman ay aminin sa’kin.

Kaunti na lamang ang tumatagal sa panahong ito,
Kaya’t huwag nating madaliin, may tamang oras para ditto.
Sa ngayon, dapat muna tayong makuntento,
Sa kung anumang meron tayo.

Hangad ko lang sana’y magtiwala ka,
Oo, hihintayin ka
Hanggang maging handa ka na,
Dahil sulit ang paghihintay kung ikaw ang makakasama.

You Might Also Like

0 comments: