dimples,

Literary: Hindi

3/03/2016 09:40:00 PM Media Center 0 Comments



Ang tagal na nating magkakilala
Kalahati ng buhay ko, ika’y kasama.

Sa bawat umagang dumadalaw ako sa inyo
Upang makikain ng almusal,
Hanggang sa paghatid ko sa’yo,
Tuwing ginagabi tayo ng uwi galing eskwelahan.

Matagal na rin pala.

Magwawalong taon na –
Akong naghihintay sa’yo

Pero bakit?
Bakit hindi mo ako makita?
Bakit hindi mo matanggap na mahal kita?

Mga katanungang nais kong bigyan mo ng kasagutan,

Ngunit bago ko pa maitanong
Natuklasan ko na ang hinahanap na sagot.

Oo nga’t kasama mo ako lagi,
Sa alaala ko’y kasama ka pagkabata pa.
Oo nga’t magkaibigan tayo,
Ng napakatagal na panahon.
Oo nga’t magkatabi lang ang bahay natin,
Kaya’t mas maraming oras na ang naigugugol ko,
Sa bahay ninyo kaysa sa amin.

Pero hindi,

Hindi tayo ganoon kalapit sa isa’t isa tulad ng inakala ko,
Dahil kahit gaano ko pilit na mapalapit sa’yo,
Hindi nito mababawasan ang distansiya sa pagitan
Ng ating mga puso.

Na kahit na nasa parehong lugar tayo
At iilang metro lamang ang distansya ko sayo,
Tila pa rin tayong nakatayo sa dalawang magkaibang lugar
Na isang libong kilometro ang layo sa isa’t isa.

Kaya hindi…

Hindi siguro talaga kailanman magtatagpo
Ang ating mga puso,
Sa iisang lugar at panahon.

You Might Also Like

0 comments: