filipino,

Literary: Paraiso

3/03/2016 08:30:00 PM Media Center 0 Comments



Nais kong makakita ng tunay paraiso-
Kung saan mayroong mayayabong na bulaklak at mga dahon,
Mga unggoy na naglalambitin at nagliliparang mga ibon,
At iba pang mga hayop na nagtatampisaw sa tubig mula sa talon.

Nais kong makakita ng totoong paraiso-
Upang masilayan ang tunay na ganda ng bahaghari,
Makarinig ng magagandang himig ng mga ibong umaawit,
At makamtan ang kaginhawaan at katahimikan ng paligid.

Ngunit ngayon mayroon pa ba akong masisilayan?
Na mga hayop na masayang nagtatampisaw sa malamig na katubigan?
Masasalamin ko pa ba ang bahaghari sa nakasisilaw na tubig?
At matatanaw ko pa ba ang mga mayayabong na puno’t halaman na sa aki’y nagbibigay lilim?

Nais kong makakita ng totoong paraiso,
Hindi lamang sa mga aklat at sa mga kuwento-kuwento,
Kung hindi ng aking mga mata mismo.

You Might Also Like

0 comments: