filipino,
Kung sa gitna ng mundo mahahanap
Ang bawat pangakong pinakawalan mo,
Siguradong nayanig na ang buong kalawakan.
Pagkawasak lamang ang dala
Ng mga salitang nag-uumapaw sa damdamin
Na gawa lamang sa himpapawid.
Kung sa puwang ng kanang kamay iiwanan
Ang mga katagang binitiwan mo,
Di maiiwasang maabala ang diwa ko.
Pangamba lamang ang alam
Ng mga tanong na nag-aantay ng sagot
na hindi kailanma'y darating.
Kung sa kabila ng lahat ay haharapin
Ang kuwentong ipinaubaya mo na lamang sa ere,
Tiyak na mawawala sa pagdaluyong ang damdamin ko
Pagsuko lamang ang pag-asa
Ng mga parirala na nag-aabang ng karugtong
Na hindi pinagtiyagaang alamin.
Paumanhin
Dahil sa dulo ng lahat
Pagkukulang pa rin
Ang kinahinatnan ko.
Literary: Pangako, Huli Na
Kung sa gitna ng mundo mahahanap
Ang bawat pangakong pinakawalan mo,
Siguradong nayanig na ang buong kalawakan.
Pagkawasak lamang ang dala
Ng mga salitang nag-uumapaw sa damdamin
Na gawa lamang sa himpapawid.
Kung sa puwang ng kanang kamay iiwanan
Ang mga katagang binitiwan mo,
Di maiiwasang maabala ang diwa ko.
Pangamba lamang ang alam
Ng mga tanong na nag-aantay ng sagot
na hindi kailanma'y darating.
Kung sa kabila ng lahat ay haharapin
Ang kuwentong ipinaubaya mo na lamang sa ere,
Tiyak na mawawala sa pagdaluyong ang damdamin ko
Pagsuko lamang ang pag-asa
Ng mga parirala na nag-aabang ng karugtong
Na hindi pinagtiyagaang alamin.
Paumanhin
Dahil sa dulo ng lahat
Pagkukulang pa rin
Ang kinahinatnan ko.
0 comments: