danna sumalabe,

Spoof Feature: Trending: #SaviourofthePandaz

3/11/2016 08:52:00 PM Media Center 0 Comments



Unwanted x Unrequited. Once Upon a Regret. Take Two. Room 115.

Ilan lamang ito sa mga lits na isinulat ng pinakatrending na lit love team na sina Saviour of the Broken at Pandaz. Ngunit paano nga ba nabuo ang love story… este lit love story nila?

Unang lumabas ang kanilang tambalan noong December 2014 sa #MCOverdrive pub ng MC2 2015 kung saan nailathala ang isinulat nilang Dreams > Reality x Soon Enough.

At dahil sa kakaibang kilig na tumatagos hanggang sa labas ng MC site, tinangkilik ng sambayanang UPIS ang kanilang mahiwagang tambalan. Naging in demand ang lits na kanilang sinusulat at nagtuloy tuloy ang kanilang kasikatan.

Dahil sa walang sawang suporta ng daan-daang tagahanga ng kanilang tambalan, hindi na napigilang mabuo ang trending fanbase nilang #SaviourOfThePandaz. Kakaiba ang fanbase na ito dahil sila lang naman ang nagdudulot ng malawakang web traffic sa Blogger at Twitter ng Ang Aninag Online sa tuwing napupub sila.

“NEXT ALDUB NA ATA ITU HAHAHA (pero on a serious note, lakas ng dating nila sa buong school, or atleast sa readers. :D)” sabi ng isa nilang masugid na tagasubaybay na itago na lamang natin sa pangalang Isa.

“OTP 9871637182EVER!!!” excited namang sabi ni Frying Pan.

Walang habas din nilang sinabi kung bakit nila tinatangkilik ang nasabing lit love team.

“Di maaninag (naks) na chemistry! Yung thrill na parang sila pero hindi sila tapos andami niyong ganun yung feeling kaya nagdadamayan kayo haha (ang relatable din kasi minsan),” sabi ni Isa.

“Siguro sa chemistry. Marahil din dahil sa matchmaking tendencies nina Ma'am Cathy at Ma'am Wena pero baka dahil sa universe talaga,” sabi ni Broccoli.

“Tadhana. Yun lang,” pilit ni Frying Pan.

Di rin sila nagpapigil na magbigay ng mensahe para sa kanilang mga idolo.

“Maganda yung adbokasiyang pagliligtas sa mga Pandas, keep it up and stay strong. Sana masaktan pa kayo at mabigo lalo para mas malalim na hugutan yung mga lits. JOKE LANG MAHAL KO KAYO,” wika ni Broccoli.

“Keep up the good work!” sabi ni Isa. Mayroon siyang mas personal na mensahe para sa dalawa pero marapat sigurong siya na lang ang magsabi at wag nang isulat pa dito. Ayon nga sa kanya, alam naman na rin nila yun.

“Sana talaga magkatuluyan kayo yiiiieeeee!” ani Frying Pan na sa puntong ito ay halata namang number one fan talaga nila.

Hiningan din namin ng pahayag si Nadine, ang siyang promotor at nagpasimula ng tambalang ito, kung ano ang mensahe nya sa para sa dalawa.

Ayon sa kanya, “Alam kong mas nagpapasalamat sila sa Universe at sa akin kasi lagi silang nakakapag-usap dahil pinagsusulat sila pero thank you na rin sa kanila kasi lagi silang nagsusubmit.”

“Tsaka minsan talaga yung mga di masabi sa personal, dinadaan na lang sa lit. Hehehehe,” dagdag pa niya.

Syempre hindi rin naming pinalampas ang pagkakataong makapanayam sina Saviour of the Broken at Pandaz. Tinanong namin kung anong masasabi nila sa pagkakabuo ng die hard fanbase nila.

“Nakakatuwa HAHAHA MAS KINIKIKILIG PA SILA MINSAN!” sabi ni Pandaz.

“Idk. bakit ganyan :(((( HAHAHAHHAHAHA!” di naman makapaniwalang sabi ni Saviour of the Broken.

Pero ayon sa kanila, may mga pagkakataong tumatagos sa tunay na buhay ang mga bagay na kanilang sinusulat.

“Siguro kasi yung iba naman based from experiences…”sabi ni Pandaz.

“Oo kasi why not??” wika ni Saviour.

Sinigurado din naming maitatanong ang pinakakontrobersyal at pinakaaabangang tanong sa lahat ng tanong. Ito ay para malaman kung ano ba talaga ang mayroon sa kanilang dalawa.

Ayon kay Pandaz, “Meron po kaming higit na................. Bilang ng reqs na hindi pa namin ginagawa HAHAHA.”

“Di ko talaga alam. Bakit ganito :((((( HAAHAHAHAHA!” ulit ni Saviour.

Hindi pa nakontento sa sagot niya si Saviour at sinabing, “BAKIT KASI GANITO YUNG MGA TANONG HUHUHUUH EWAN KO BA HAHAHAHHAHAHAHAHAHAHA…

I'm not sure but "if it's right, it will be.”

Kaya naman para sa kanilang mga die-hard fans, tunay na nakatutuwang umasa sa posibilidad na matuloy sa totohanan ang storyang kanilang pinagbibidahan.

You Might Also Like

0 comments: