filipino,
Una tayong nagkita noon sa isang paliparan.
Ika’y mangingibang-bansa
At ako ‘y papuntang probinsya.
Nginitian mo ako’t tinugon ko naman iyon.
Tayo’y nagkakilala,
Ang simpleng usapa’y nauwi sa mahabang kuwentuhan.
Naging malapit sa isa’t isa,
At nagkapalagayan ng loob pa.
Matagal mang paghihintay,
Di natin namamalayan
Dahil naririyan ako para sa’yo
At ikaw ay para sa akin naman.
Katulad ng lahat,
Ito rin ay may katapusan.
Dumating ang oras na iyon,
Na kailangang magpaalam
Parang mga eraplano,
Tayo’y pareho ng pinagmulan,
Ngunit hindi magkatulad,
Ang ating patutunguhan.
Totoo nga ang sabi nila
Na may mga taong pinagtatagpo,
Ngunit sadyang hindi kaloob ng tadhana
Na magkatuluyan ang dalawang pusong nagkita.
Literary: Sa Isang Paliparan
Una tayong nagkita noon sa isang paliparan.
Ika’y mangingibang-bansa
At ako ‘y papuntang probinsya.
Nginitian mo ako’t tinugon ko naman iyon.
Tayo’y nagkakilala,
Ang simpleng usapa’y nauwi sa mahabang kuwentuhan.
Naging malapit sa isa’t isa,
At nagkapalagayan ng loob pa.
Matagal mang paghihintay,
Di natin namamalayan
Dahil naririyan ako para sa’yo
At ikaw ay para sa akin naman.
Katulad ng lahat,
Ito rin ay may katapusan.
Dumating ang oras na iyon,
Na kailangang magpaalam
Parang mga eraplano,
Tayo’y pareho ng pinagmulan,
Ngunit hindi magkatulad,
Ang ating patutunguhan.
Totoo nga ang sabi nila
Na may mga taong pinagtatagpo,
Ngunit sadyang hindi kaloob ng tadhana
Na magkatuluyan ang dalawang pusong nagkita.
0 comments: