barcode,

Literary: Saan?

3/03/2016 09:18:00 PM Media Center 0 Comments



Paano nga bang kalimutan ka?
Lahat na ng bagay ay sinubukan ko na.
Ngunit di ko pa rin magawang bumitaw,
Sa ating nakaraan.

Patuloy pa rin akong dinadala ang aking mga paa,
Sa mga lugar na puno ng ating mga alaala,
Hanggang ngayon ako ay nakatali pa rin,
Sa pag-asang maibabalik ang lahat sa dati.

Sa tuwing makakasabay kitang mag-abang sa sakayan sa umaga,
Nararamdaman ko pa rin ang kilig ng dati nating pinagsamahan.
Ngunit mas nadarama ko ang sakit,
Nang pinili mong iwanan ako nag-iisa at isantabi na lamang.

Tamis ng pagmamahal ang aking nararamdaman,
Kapag umiinom ako ng kape sa paborito nating kapihan
Pero mas nalalasap ko ngayon ang pait sa bawat patak nito sa aking lalamunan,
Nang hilingin mo sa aking kita’y layuan.

Nasasabik pa rin ako
Sa tuwing naglalakad ako sa paborito nating kalsada
Subalit bumibigat ang bawat hakbang ko,
Kapag naaalala ang gabing sinabi mong mo na sa akin at iyon ang totoo.

Saan ba dapat ako pumunta?
Dapat ko pa bang balik-balikan ang mga lugar ng ating nakaraan,
Upang sa ganoon ay mamanhid na ang pusong ito,
At makalimutan na ang pagkadurog, sakit, at pait na nararamdaman?

Sana nama’y tulungan mo akong makawala,
Ang mga binting itong sa ating nakaraa’y nakakadena.
Sana naman ika’y makalimutan na,
Upang ako ay tuluyang makalaya na.

Saan ako dapat magpunta
Upang ikaw ay malimot ko na?
‘Pagkat hindi ko na kayang tiisin pa,
Nadudurog na ang puso ko dating sinta.

You Might Also Like

0 comments: