faber castell 0.7,

Literary: Tanging Pangako

3/22/2016 08:43:00 PM Media Center 0 Comments


Hindi ako mangangakong aabutin ang mga bituin para sa’yo,
Dahil napakaimposible noon at malayong maging totoo.

Hindi rin ako mangangakong sisisirin ang kailaliman ng Antartika,
‘Pagkat alam kong nakakapagod iyon at di ko kaya.

Hindi mangangakong lilipad kasama ang mga ibon,
Dahil wala akong sapat na abilidad para gawin iyon.

Hindi mangangakong gagawing araw ang gabi,
Dahil hindi ako makapangyarihan para iyon ay masabi.

Huli, hinding hindi ko rin maipapangako
Na kaya kong palitan ang “siya” ng “ako” sa puso mo.

Pero kahit ganoon…

Isa lang ang maipapangako at masisiguro ko,
At iyon ay ikaw lang ang laman at tanging tinitibok nitong aking puso.

You Might Also Like

0 comments: