DiMaAninag,
Upang mapagbigyan ang mga estudyanteng may klase sa ikaapat na palapag ng Academic Building, pinagamit ang elevator na natapos mahigit isang taon mula nang ilunsad ang proyekto.
Yun nga lang dahil sa kakulangan ng pondo ay de-padyak lamang ang mekanismong ginagamit para sa pagpapatakbo nito. Isang tao lamang ang kailangan ngunit 20 milya sa bawat oras ang tinatakbo nito kapag lima o mas kaunti pa ang nakasakay.
"Hassle po talaga paminsan kasi poging-pogi ka tapos pagpapadyakin ka ng mga kaklase mo para makarating sa Comp Sci [sa 4th Floor]," ika ng rising star na si Blade Alvarez. "Pag pogi daw kasi mas mabilis talaga."
Ayon sa administrasyon ng UPIS ay papanatilihin munang de-padyak ang pagpapatakbo upang matuto ang mga estudyante na pahalagahan ang pagpupursige para makarating sa taas.
"Minsan nga po nale-late kami nang isang oras sa klase namin kasi napakahaba ng pila at ginagawang squad goals ang pagsakay sa elevator," sabi ng isang estudyante mula Grade 8-Cockroach. "Pero minsan masaya din kasi yung teacher yung nalelate ng 1 hour sa klase kapag siya yung na-stuck."
De-padyak man o de-kuryente, hindi mapagkakaila na ang elevator na ito ay isang simbolo ng pag-unlad na maipagmamalaki ng UPIS. / nina Hannah Manalo, Macky Barrientos
Spoof News: Bagong elevator sa UPIS, tumatakbo na
Umabot sa pila ng UP papuntang SM North ang linya ng mga estudyanteng nais subukan ang bagong elevator sa unang palapag ng UPIS noong nakaraang Marso 4, Biyernes.Upang mapagbigyan ang mga estudyanteng may klase sa ikaapat na palapag ng Academic Building, pinagamit ang elevator na natapos mahigit isang taon mula nang ilunsad ang proyekto.

0 comments: