DiMaAninag,
Maraming estudyante ang nabahala pagkatapos mapansin na mistulang nagiging bundok na ang mga tiles sa mga klasrum sa 3rd at 4th floor ng Academic Building.
Sa katunayan, isang mag-aaral ang biglang tumilapon sa kanyang upuan sa kalagitnaan ng long test sa Math dahil sa biglaang pag-angat ng sahig, isa sa mga di maiiwasang epekto ng proyekto.
“Gulat talaga ako! I thought it was just my guniguni because the test is so hirap!” wika ng mag-aaral na ayaw magpakilala. “But when I realized what was happening, I asked Sir Rock agad if the building is collapsing.”
Agad namang nilinaw ni Istatwa, UPIS Prinsipal, na isa lamang ito sa marami pang proyekto na naglalayon na maging ecopark ang UPIS.
Ayon naman kay Batongbakal na siyang puno ng proyekto, layon lamang niyong mabigyan ng tahanan ang mga hayop sa UPIS.
“Endangered na ang mga rainbow cockatoos at ito lamang ang naisip naming paraan upang mabuhay ang mga ito,” depensa ni Batongbakal. “Pagkatapos ng buwan na ito, si Sir Poldi na ang mamumuno upang maging matahimik ang lahat.”
Target ng grupo na matapos ang bundok na may taas na 3000ft above sea level sa unang quarter ng taong 2017. / ni Julian Taloma
Spoof News: Bundok UPIS, sinisimulan na
Sa pangunguna ni Prop. Lorna Istatwa at G. Rockman Batongbakal, sinimulan na ang pagpapatayo ng kauna-unahang bundok sa University of the Philippines Integrated School, noong ika-1 ng Marso.Maraming estudyante ang nabahala pagkatapos mapansin na mistulang nagiging bundok na ang mga tiles sa mga klasrum sa 3rd at 4th floor ng Academic Building.

0 comments: