filipino,
Para Kay Momoy,
Hello! Ako ‘to, si Poknat nung mga bata pa tayo. Naalala mo pa ba ako? Sana oo, pagkat alalang-alala pa kita. Naaalala ko pa lahat. Lahat ng ating mga laro, saya, pangako, at syempre ang ating tagpuan. Naalala ko pa nung kinatok mo pa ang bahay namin at hinila mo ko papuntang burol para lang ipakita sa’kin ang treehouse mo. Tandang-tanda ko pa noong umiyak ka kasi pink at blue yung kulay nun. Gusto mo noon green, diba? At natandaan ko rin yung isang araw na may ale na nagsabing, “Uy! Bakit may proyekto ng MMDA sa baryo natin,” sabay turo sa treehouse mo. Buong linggo kitang tinawanan nun pero tinigil ko rin kasi umiyak ka na.
Natatawa pa rin ako hanggang ngayon tuwing naaalala ko yung tree house. Miss ko na kasi ‘yun. Saksi kasi yun sa lahat ng mga nangyari sa buhay natin nung mga bata pa tayo. Narinig na niya ang mga kuwento sa likod ng mga pag-iyak natin: kung bakit ka pinalo sa pwet ni Tiya Nona, kung paano ka binasted nung first love mong si Elsa, kung paano ako binully ni Marvin, kung paano ako nahulog sa creek. Nalaman rin niya ang mga pinakatatagong sikreto natin: na ako nakabasag ng pinakamamahaling vase ni lola, na ako ang nagsaksak ng tv sa 220v kaya umusok, na ikaw ang nagpakawala kay Brownie kaya hinabol si Marvin, na ikaw ang umutot sa party na sobrang baho kaya nag-alisan yung mga bisita, na ikaw ang una kong mahal. Oo, alam ng treehouse ‘yun pero ikaw hindi pa, kaya sasabihin ko na. Oo, mahal kita noon. At hanggang ngayon ikaw pa rin. Biruin mo sampung taon! Sampung taon akong nakatali sa nakaraan kasi hindi ko ito nasabi noon pa. Sampung taong nanahan sa puso ko na walang nakakaalam kundi ako at ang treehouse na yun. Sampung taon na umaasang sana mahal mo rin ako. Sampung taong nangulila ang puso ko sa piling mo.
Alam kong nasaktan kita sa pag-alis ko ng walang paalam. Pasensya na. Masyadong mabilis ang mga pangyayari noon wala na akong oras magpaalam sa’yo. Maganda na rin siguro yun kasi kapag nakita kita noon, baka hindi ko na kayaning umalis pa. Sana patawarin mo ako.
Matanda na tayo pero tandang-tanda ko pa rin ang lahat ng iyon. Miss ko na ang kabataan natin at miss na rin kita. Kaya kung napatawad mo na ako, maghihintay ako sa treehouse buong araw bukas.
Hihintayin kita hanggang sa magbukang liwayway kinabukasan.
Hihintayin kita.
At sana’y hinintay mo rin ako.
Literary: Para Kay Momoy

0 comments: