arabesque,

Spoof Feature: 10 Tips para Maniwalang may Pag-asa Ka

3/11/2016 08:57:00 PM Media Center 0 Comments



1. Give meaning to everything.
Halimbawa, sa prom. Lapitan mo siya sa second to the last song kahit may kasayaw siya at tanungin kung pwedeng ikaw ang last dance niya. Ulitin mo ng tatlong beses. Pag pumayag siya dahil mabait siya, ibig sabihin gusto ka rin niyang kasayaw.

2. I-text at i-chat mo siya gabi-gabi.
Kahit puro “hahaha,” “meh,” at smile emoticon ang reply niya, gumising ka na sa katotohonan na talaga namang gusto ka rin niyang kausap.

3. Mag-expect ka.
Mag-expect ka na pag nagkasalubong kayo, mauuna siyang mag-hi sa’yo. I-expect mo rin na mauuna siyang mag-text o mag-chat. Dahil mas madalas ka namang maunang makipag-usap, i-expect mo na mag-eeffort rin siya para sa’yo.

4. Magpapicture ka kasama siya sa tuwing may school activity.
Leadership Camp, LLD, intrams, Battle of the Bands, prom, Miting de Avance, lunch, flag ceremony, shortened period, lahat. Makikita mo naman sa pilit niyang ngiti na may meaning ang pagpapapicture niyo.

5. Magselos ka.
Magselos ka sa ibang kausap, kasama, kaibigan, kaklase, ka-batch niya. Walang kayo pero wala ring sila, kaya may karapatan ka.

6. Magpakilala ka sa mga magulang niya sa araw ng Release of Stubs.
Sabihin mo ang buo mong pangalan, grade and section, address, trabaho ng nanay at tatay mo, at ipagmalaki mo ang Excellent mo sa PE. Bet ka na niya, magiging boto pa ang mga magulang niya sa'yo.

7. Kaibiganin mo ang friends niya.
Para malaman mo ang schedule niya, exact coordinates, likes and dislikes, at kung ano ang tingin niya sa’yo. Palagi ka nang updated sa kanya, may new friends ka pa!

8. Maging visible ka.
Dahil alam mo na ang schedule niya, dumaan ka sa court pag PE nila bago ka dumeretso sa klase mo sa 4th floor. Mag-CR ka sa first floor kahit galing ka pa sa Math class mo sa third floor para lang madaanan mo siya habang naglulunch sa Ramp. Ipilit mong tumulong o sumali sa mga activities ng org nila kahit hindi ka naman talaga kasali. Dahil lagi kayong nagkikita, madedevelop na kayo.

9. Magpahalata kang gusto mo siya.
Ipakita mong kinikilig ka sa simpleng ngiti lang niya. Wag ka nang maging torpe. Dahil kung alam niyang gusto mo siya, mas madali para sa kanyang umamin na gusto ka rin niya.

10. Mind over matter.
Umasa kang magiging kayo. Maniwala ka sa forever. Maghintay ka kahit gaano pa katagal dahil kayo talaga ang para sa isa’t isa, hindi man ngayon, pero sa tamang panahon.

You Might Also Like

0 comments: