filipino,
Sa isang mabungang puno,
Sa parkeng ating pinaglalaruan,
Mga pangalan nati’y nakaukit,
Nakatitik ating pinagsamahan.
Sa dalampasigan tayo’y naghahabulan.
Masayang nagtatampisaw sa tubig sa gitna ng sikat ng araw.
Tatakbo tayo sa puting buhanginan,
At isusulat muli doon ang ating mga pangalan.
Sa isang tahimik na lugar ako’y isinama,
Nagniningning ang mga nakasinding kandila,
Lumuhod kang bigla-bigla sa aking harapan,
Sabay abot sa akin ng singsing na tanda ng pagmamahalan.
Ngunit ang pinakatumatak sa aking isipan-
Ang simbahan kung saan tayo’y dapat magsusumpaan,
Mag-iisang dibdib puso nating nagmamahalan,
At mangangakong magsasama magpakailanman.
Nakatayo ako sa may harapan,
Nagdarasal na ika’y darating at ako’y iyong pupuntahan.
Hinintay kita, hinintay kita hanggang sa kahuli-hulihang sandali,
Ngunit iniwan mo akong mag-isa’t nasasaktan.
Ilang taon na ang lumipas,
Hinding-hindi ka pa rin nawawala dito sa aking puso.
Umaasang babalikan mo ako’t mamahalin,
Sa pagkikita nating muli.
Literary: Hanggang sa Muli

0 comments: