filipino,

Literary: Hay Nako

3/22/2016 09:02:00 PM Media Center 0 Comments



Bakit ka pa nangako
Kung di ka naman seryoso?
Bakit ka nagbibitiw ng mga salitang
Nauuwi rin sa wala?

Paasa ka.

Ang mahirap sa’yo
Sa umpisa ka lang nasa tono,
Habang tumatagal nasisintunado,
Pero magpapanggap na matino.

Sa susunod iwasan mo
Ang pagbibigay ng mga salita,
Na di mo kayang panindigan
Para di mo masira,
Ang ibinigay sa iyong tiwala.

You Might Also Like

0 comments: