filipino,

Literary: Ikaw

3/18/2016 08:48:00 PM Media Center 0 Comments



Nandito lang ako
Dadamay sa’yo
Patatawanin at problema’y ipakakalimot
Tuwing ika’y nalulungkot
Upang makita ng mundo
Ang gandang taglay ng ngiti mo

Ikaw at ikaw lamang talaga
Wala nang iba pa.
Di na kailangan maghanap pa ng iba
Kahit kailan di ako magsasawa
Ika’y sa akin maniwala
Sa puso ko’y ikaw lamang talaga

Sasamahan kita kahit saan
Kahit ano pa ang tahaking daan
Kahit saan man dalhin ng hangin
Kahit saan pang sulok ng mundong nilalakaran natin
Kahit umabot pa hanggang langit, di ako bibitaw
Dahil ang daan patungong kasiyahan ay ikaw.

Di ko man maibibigay sa’yo ang mundo
O ang mga instrumentong hilig mo
Di ko man mabibili ang lahat ng pagkaing gusto mo
O maipapangakong maaayos ko lahat ng problema mo
Oras at panaho’y isasakripisyo
Marinig lang ang tila mala-anghel na tawa mo

Mas pipiliin kong manatili kasama ka
Di ako susuko ng basta basta
Kahit gumunaw pa ang mundo
Kahit tumama ang kahit anong delubyo
Di mo na ako kailangan hanapin pa, andito lang ako

Dahil ang tanging panalangin ko ay ikaw at ako,
Hanggang sa dulo ng mundo.

You Might Also Like

0 comments: