filipino,
Naalala ko noong
Magkausap tayo
At binigyan mo ako ng rosas
“Pang-iyo yan,” sabi mo.
Sabi ko, “Ano?”
“Para sa’yo.”
Naalala ko noong
Magkita tayo
At may dala kang pagkaing pagsasaluhan
“Pang-atin,” ang sabi mo.
At sabi ko, “Ano?”
“Para sa atin.”
Naalala ko noong
Magkasama tayo
At tinanong kita
Kung gagawin mo ba ang lahat para sa atin
Sabi mo, “Oo naman.”
“Talaga?”
“Pangako.”
Ilang taon na ang nakalipas
Magmula nang maghiwalay tayo
At
Ngayon ko lang napagtanto na
Ang ibig mo palang sabihin ay
“Pang-ako.”
Literary: Napagtanto
Naalala ko noong
Magkausap tayo
At binigyan mo ako ng rosas
“Pang-iyo yan,” sabi mo.
Sabi ko, “Ano?”
“Para sa’yo.”
Naalala ko noong
Magkita tayo
At may dala kang pagkaing pagsasaluhan
“Pang-atin,” ang sabi mo.
At sabi ko, “Ano?”
“Para sa atin.”
Naalala ko noong
Magkasama tayo
At tinanong kita
Kung gagawin mo ba ang lahat para sa atin
Sabi mo, “Oo naman.”
“Talaga?”
“Pangako.”
Ilang taon na ang nakalipas
Magmula nang maghiwalay tayo
At
Ngayon ko lang napagtanto na
Ang ibig mo palang sabihin ay
“Pang-ako.”
0 comments: