filipino,

Literary: Hindi na Ako Mangangakong Muli

3/22/2016 08:23:00 PM Media Center 0 Comments


Pangako kong hindi na akong mangangakong muli
Pangako sapagkat alam naman nating dal'wa na huli
Huli na ang lahat sa atin
Bakit pa paglalabanin
Ang mga damdamin
Nating salungat
Ano pang ginagawa natin
Hindi rin naman natin inaamin
Ang sigaw ng ating mga damdamin
Kaya pangako ko sa’yo
Hindi na ako babalik
Hindi na kita iisiping muli
Kasi mahal
Kita
Hindi ko rin inaakala
Pero mahal
Kita
Inakala kong paghanga lamang
Kaso mahal pala kita
At kahit hindi ko na kinakaya ang sakit
Mahal pa rin kita
Kahit mayroon ka ngiba
Kahit mayroon ka nang iba
Kahit tila kaibigan lamang ang tingin mo sa'kin
Di mo nalalamang masakit sa damdamin
Kasi hindi ko man lang maamin
Dahil natatakot ako
Mahal kita pero di ko masabi
Di ko masabi sa akin o sa’yo
Hindi ko matanggap sa sarili ko
Na ang babaeng minsa'y nakikita ko lamang na napapadaan-daan
Ay ngayo'yaraw-araw at gabi-gabi nang tumatakbo sa'king isipan
Kaya napapatanong na lamang ako
Bakit pa kasi ako nahulog sa’yo?
Nasaktan na ako dati pero bakit hindi pa rin ako natututo?
Bakit pa ako nagpakilala?
At bakit ngayo'y mukha akong tangang nangangako.
Kaya pangako
Hindi na ako mangangakong muli
Kasi hindi rin naman magtatagal
Iisipin rin kita balangaraw,
At siguro’y muling mapapamahal sa’yo
Kung dumating man ang panahong iyon
Ang masasabi ko na lang para doon
Ay hindi na ako mangangako
Kaya pangako
Hindi na ako mangangakong muli
Kasi hindi rin naman nagtatagal
Kahit gaano pa kapait ang ating kinahinatnan
At kahihinatnan
Ikaw pa rin ang aking mahal

You Might Also Like

0 comments: