filipino,

Literary: Utang

3/18/2016 08:32:00 PM Media Center 0 Comments




Nagugutom ka.
Lumapit ka,
“Kahit bente lang, please.”
Siyempre binigyan kita.

Inasahan kong babalik,
Tulad ng pagbabalik ni Zayn Malik
“Bukas ko babayaran, promise”
Ngunit di ka naman umimik.

Dumating ang panahong may nararamdaman ka,
Kaya umamin ka, ngunit ‘di pa ako handa
“Hihintayin kita, promise!”
Pangako mo, ngayon ay dala na.

Sabi mo hihintayin mo ako.
Ngayong handa na ako sabi mo,
“May iba na, sorry.”
Nalimutan mo na rin yata ang bente ko.

Nangako kang babayaran mo ako.
Nangako kang hihintayin mo ako.
Ngunit pati ang iyong pangako
Ay naging utang rin tulad ng bente ko.

You Might Also Like

0 comments: