filipino,

Literary: Limot

3/22/2016 09:38:00 PM Media Center 0 Comments




Nang makita kang palakad-lakad sa lansangan
Agad kitang pinuntahan

Niyakap kita ng mahigpit at sinabing:

"Hindi ba’t pinangako mo sa akin na hindi mo ako iiwan?
Bakit sa lahat ng iyong pangako ay iyon pa ang iyong kinalimutan.
Hinahanap kita sa bawat sulok ng lungsod,
Pati ang bawat baryo, barangay, at pook ay sinuyod
Upang matagpuan ka't ipaalala sa iyo
Ang pangakong binitawan mo."

Ika'y tumingin sa akin ng may pagtataka’t pag-aalinlangan
Tumatalilisang mga butil ng pawis sa iyong nakakunot n anoo
Huminga ka ng malalim at dahan-dahang lumabas ito sa iyongbibig:

"Patawad at wala akong matandaan
Na ako'y nangakong hindi kitaiiwan at pababayaan
Ang alam ko lamang ay ako'y naligtas mula sa kamatayan
At ngayon ay nabubuhay ng walang nalalaman."

You Might Also Like

0 comments: