dimples,
Unang tingin ko pa lang sa'yo
Agad nag-init aking ulo.
Doon ko nasabi sa aking sarili
Na dapat kitang iwasan palagi.
Di maitatanggi,
Na ika’y isang taong di mapirmi sa iisang tabi.
Halos sa lahat ng gawai’y
Nais mong makisali.
Di lingid sa karamihan
Na ang ulo mo’y puno ng hangin at kayabangan.
Akala mo lahat ay nadadaan
Sa salita’t usapan.
Sa di inaasahang pagkakataon,
Pagkatapos ng mahaba - habang panahon,
Doon ko lang lubos nasilayan,
Ang itinatago mong kabutihan.
Literary: Pwede Pala
“Sino ka ba?”
Unang tingin ko pa lang sa'yo
Agad nag-init aking ulo.
Doon ko nasabi sa aking sarili
Na dapat kitang iwasan palagi.
Sa ating unang pagtatagpo,
Agad ko nang napagtanto,
Na hindi tayo kailanman
Magkakasundo.
“Nakakainis!”
Di maitatanggi,
Na ika’y isang taong di mapirmi sa iisang tabi.
Halos sa lahat ng gawai’y
Nais mong makisali.
Kulang ka yata sa pansin.
Ano ba ang aking nagawa para ako’y malasin?
Lahat ng ginagawa ko sa mata mo’y mali.
Ika’y galit sa’kin sa bawat minuto’t sandali.
“Ang yabang naman nito…”
Di lingid sa karamihan
Na ang ulo mo’y puno ng hangin at kayabangan.
Akala mo lahat ay nadadaan
Sa salita’t usapan.
Lagi’t lagi’y gusto mong ikaw lamang
Ang tanging nagsasalita’t pinakikinggan.
Sapagkat sa tingin mo’y tama lagi
Ang iyong mga tinuran.
“Teka.. parang mabait naman…”
Sa di inaasahang pagkakataon,
Pagkatapos ng mahaba - habang panahon,
Doon ko lang lubos nasilayan,
Ang itinatago mong kabutihan.
At sa paglipas ng panahon
Nang magkapalagayan ng loob,
Doon ko lubos nakita
Ang tunay mong kagandahan.
“Kaibigan? Pwede pala…”
Sino nga namang mag-aakala?
Na pagkakasunduin ng tadhana,
Ang dalawang magka-ibang indibidwal
Sa isang pagkakaibigang puno ng aruga't pagmahahal.
0 comments: