filipino,
Uwian
Simpleng buhay lang naman ang alam ko dati. Panik-panaog sa slide, habulan sa damuhan, kwentuhan sa clubhouse, tulakan sa swing.
Isang alas-kuwatro ng hapon, sa pagtunog ng bell, kumaripas na ako ng takbo sa playground. Unahan na sa swing. Uupo na sana ako kasi bigla mo akong hinawi.
“Ako diyan,” sabi mo. “Pero nauna ako,” sagot ko.
Bigla mong inilabas yung kanang kamao mo. Akala ko susuntukin mo ako. Sa laki ba naman ng braso mo, syempre natakot ako. Kababae mong tao, mas malaki ka pa sa akin.
Hahamunin mo lang pala ako ng jak-en-poy. “Isang bagsakan,” sabi mo.
“Hindi, sige, sa’yo na,” sagot ko. “Nauna ka naman eh. Basta pagkatapos mo, ako naman ah.”
Ngumiti ka bilang pasasalamat at napangiti rin naman ako dahil nawala yung mga mata mo sa laki ng pisngi mo.
At sa mga sumunod na alas-kuwatro ng hapon, sa pagtunog ng bell, kakaripas na ako ng takbo sa playground at hahanapan tayo ng swing.
Gulay Day
Ayaw ko ng gulay pero sa bawat Martes na dumaan, iyon ang lagi kong iniintindi.
“Hoy! Gulay ba ulam mo ngayon?” tanong ko.
“Of course! Ako pa ba? Lahat naman kinakain ko.” Inilabas mo ang baunan mo at naamoy ko na ang baon mong pinakbet.
“Pahingi naman ako,” sabi ko.
“Eh ‘di ba hindi ka naman kumakain ng gulay?”
“Mag-checheck na si Ma’am eh! Wala akong dalang gulay! Scrambled egg lang pinadala ng nanay ko.”
“Sige na nga. Pero mamaya ibalik mo sa akin ah!”
Kaya tuwing Martes, bago dumating si Ma’am, bibigyan mo na ako ng gulay. Ngunit isang beses, hindi siya umalis ng klase kaya kinailangan kong kainin ang ibinigay mo. Galit na galit ka noon kasi wala akong naibalik sa’yo. Kaya pagdating ng uwian, kinailangan pa kita ilibre ng kwek-kwek.
Powerdance
Lumabas na ang mga ugat sa leeg mo at mukhang puputok na sila.
Nasa gilid ako ng formation at nasa harap ka.
“OKAY! FROM THE TOP!” bulyaw mo. Sira kasi ang mikropono kaya kinailangan mong sumigaw.
Gigil na gigil ka sa pagtuturo ng sayaw sa batch natin kasi kailangan nating manalo. Isa ka sa mga choreographer at walang dumaan na araw ng practice na wala ka.
Kaya naman tuwing pagkatapos ng mga practice, palagi kitang hinihintay at yayain kumain. Alam kong ‘yun lang naman ang magpapawala ng stress mo—pagkain.
Dahil gabi na tayo natatapos, palagi kita inihahatid sa bahay niyo. Magkalapit lang naman tayo ng bahay, halos isang street lang ang pagitan. At palagi kang nakabilin sa akin ng magulang mo, lalo na ng tatay mo.
#MCPakisabi
Sa pagdaan ng mga taon, hindi tayo pinaghiwalay ng ating pagkakaibigan kahit na magkaiba tayo ng section. Minsan magtetext ka pa kung kumusta ako at magtatanungan tayo ng mga score sa mga quiz. Kahit nga magkaiba na ang track natin, nag-uusap pa rin tayo.
“Uy, malapit na pub namin. Submit ka ha!” sabi mo sa akin pagkapasok ko ng library.
“Ano bang theme?” tanong ko.
“Paborito mo yun, MCPakisabi.”
“Sige. Sa ‘yo na lang ulit ako magsusubmit ha. Ikaw lang naman nakakaalam ng penname ko eh.”
Simula pa nang malaman ko kung ano ang MCPakisabi, palagi na akong nagpapasa ng mga naiimbak kong hinaing na mula pa sa notes ko sa phone. Lahat ng lit na ipinasa ko roon, tungkol sa ‘yo. At ikaw itong palaging nag-e-edit ng mga lit, pero kahit kailan hindi mo nahalata. Inaasar mo pa nga ako na grabe yung mga hugot ng mga lit ko.
Ewan ko ba sa ‘yo kung bakit hindi mo mahalata. Hindi mo rin maramdaman.
Fil Drama
“Ano bang nangyayari sa ‘yo?” sabi mo. May mga luha na sa gilid ng mata mo.
“Wala kang pakialam!” sagot ko.
“Hindi na kita maintindihan eh!” pasigaw mong sinabi.
“Kailan mo ba ako inintindi?” Lumakas na rin ang boses ko.
“Diretsuhin mo nga ako! Dahil hindi ko kayang basahin kung anong nandyan sa utak mo. Matatanggap ko lahat dahil kaibigan mo ko eh.”
“Yes, kaibigan mo ko. Kaibigan mo lang ako. And that’s all I ever was to you, your best friend! Takbuhan mo kapag may problem ka. And I’m so stupid for making the biggest mistake of falling in love with my best friend! Dahil kahit kailan hindi mo naman ako makikita eh. Kahit kailan hindi mo ako kayang mahalin na higit pa sa isang kaibigan.”
Ilang linggo natin ‘tong in-ensayo para makapasa sa audition at mapasama sa mismong mga bida ng dula. Kinabog pa natin sina Jolina at Marvin. Ewan ko ba kung tadhana ba na nabunot kitang kapareha at itong eksena rin ang napunta sa atin. Oo, sinadya nating magpalit ng role kasi sabi mo dito masusubok kung gaano tayo kagaling umarte.
Hanggang sa araw ng audition, palakpakan ang mga tao dahil ang galing nating umarte. Dahil magaling ka talaga at akala nilang magaling ako. Pero ang totoo? Totoo lahat ng mga salitang binitawan ko.
Grad Ball
Ito na. Ito na talaga.
Dumilim ang mga ilaw at bumagal ang kanta. Linapitan kita at niyaya kang sumayaw.
Sa gitna ng dancefloor, habang yakap mo ako, ang bestfriend mo, nagtanong ka. “Bakit ngayon mo lang ako sinayaw?”
Hindi rin ako nakasagot. Patuloy lang nating sinundan ang mabagal na kanta. Handa na ako kanina pero ngayong napakalapit na ng mukha mo at nasa harap ko na ang ngiti mo hindi ko magawang sabihin ang mga salitang ilang beses kong inensayo.
Bahala na.
“Pwede ba umamin?” tanong ko.
“Oh my gosh, bakla ka?” sabi mo. “Kailan pa?”
“Hindi. Panira ka ng moment eh mo? Kita mo nang aamin yung tao tapos gaganyanin mo lang?”
Tumawa ka.
“Matagal na kitang gusto,” sabi ko.
“Alam ko,” sabi mo.
Tumigil ang kanta. Sinindihan na ang mga ilaw. Bumaba na ang mga braso mo.
Tahimik lang ako dahil hindi ko alam ang isasagot. Nakatingin ka lang din sa akin na parang naghihintay na may masabi ako. Kahit ano.
Pero nagkagulo na ang lahat. Nawala ka sa dami ng mga tao.
Hindi ako nakatulog pag-uwi. Patuloy na bumabagabag sa utak ko kung bakit ko ba kasi sinabi, paano mo nalaman at bakit wala akong naisagot.
Pagpatak ng alas-kuwatro ng umaga, tumunog ang cellphone ko. Isang text mula sa’yo.
Ang bawat araw sa swing ay ‘di malilimutan.
Ang bawat alaalang ating pinagsaluhan, aking tatandaan.
Alam ko kung para kanino ang bawat kwento’t tula.
Alam kong totoo ang bawat binitawan mong salita.
Pero ang ating unang sayaw ay iyong huli na.
Dahil ‘pag kaibigan, kaibigan lang talaga.
Literary: Huling Sayaw

0 comments: