chocobutternut,
Ang kwentong tayo ay nagsimula sa simula
Noong umagang una kitang nakita
Nag-aalmusal ka sa may harap ng inyong bahay
Sa probinsya, walang kamalay-malay
Napatingin ka sa aking gawi
At doon ako nabighani sa 'yong ngiti
Hindi na nagpatumpik-tumpik
Ako ay lumapit, mga ibon nanahimik
Nagpakilala ako, nagpakilala ka rin
Bumibisita ka pala sa 'yong pamangkin
At iyon na nga ang simula
Ng isang kwentong 'di ko inakala
Ang ikaw at ako
Ay tuluyang naging tayo
Palaging magkasama, 'di mapaghiwalay
Palaging magkahawak ating mga kamay
Tayo ay masaya
'Di na maghahanap pa ng iba
Ngunit sinubok ng mga araw, buwan, at bituin
Pag-agos ng sakit 'di nakayang talunin
Sa pag-ibig mong alam kong tunay
Sinubok ang puso kong lantay,
Na 'di marunong manakit, datapwat sinasaktan
Sabi pa nila sa akin, wala na 'kong natutunan
Nasanay sa hapdi, pagod, at hinagpis
'Di na ako nanibago sa mga pag-alis
Sa tuwing ang "ako" ay magiging “kami”
lniiwan naman nila ako palagi
Sa tuwing may bagong iibigin
Alam ko na'ng aantayin
Sakit na dala ng pananawa sa akin
At dahil sa simple kong mithiin
Mahalin akong tunay, tapat, at totoo
Samahan ako hanggang sa dulo
Ng altar, ng walang hanggan
Tuparin ang pangakong 'di ako iiwan
At sa tagal ng panahon
Nasanay na sa pakiramdam ng pagtapon
Tila ba kwento ko ay nasulat na
At susunod na lamang sa tadhana
Ngunit binago mo ang tuluyan
Dinaya ang nakagisnan
Dahil nang ako ay iyong saktan
'Di ako pinagbigyan ng sansinukuban
lkaw ay kinuha sa akin
Ng Diyos na mahabagin
Ako ay nilisan
Iniwan nang tuluyan
Laking dusa ang dulot sa ’kin
Lalo na't iyong sinabi
Na ako na'y sasamahan
Sa dulo ng simbahan
Hindi ko maintindihan
Kung ba't ako laging nasasaktan
At ang sakit na dulot mo
Ay dulo na ng ating kwento
Ang dulo ng ating pagmamahalan
Ang dulo ng sinabi mong walang hanggan
Ang dulo ng dapat na tayo
Dahil wala ka na sa piling ko
Literary (Submission): Nodus Tollens
Ang kwentong tayo ay nagsimula sa simula
Noong umagang una kitang nakita
Nag-aalmusal ka sa may harap ng inyong bahay
Sa probinsya, walang kamalay-malay
Napatingin ka sa aking gawi
At doon ako nabighani sa 'yong ngiti
Hindi na nagpatumpik-tumpik
Ako ay lumapit, mga ibon nanahimik
Nagpakilala ako, nagpakilala ka rin
Bumibisita ka pala sa 'yong pamangkin
At iyon na nga ang simula
Ng isang kwentong 'di ko inakala
Ang ikaw at ako
Ay tuluyang naging tayo
Palaging magkasama, 'di mapaghiwalay
Palaging magkahawak ating mga kamay
Tayo ay masaya
'Di na maghahanap pa ng iba
Ngunit sinubok ng mga araw, buwan, at bituin
Pag-agos ng sakit 'di nakayang talunin
Sa pag-ibig mong alam kong tunay
Sinubok ang puso kong lantay,
Na 'di marunong manakit, datapwat sinasaktan
Sabi pa nila sa akin, wala na 'kong natutunan
Nasanay sa hapdi, pagod, at hinagpis
'Di na ako nanibago sa mga pag-alis
Sa tuwing ang "ako" ay magiging “kami”
lniiwan naman nila ako palagi
Sa tuwing may bagong iibigin
Alam ko na'ng aantayin
Sakit na dala ng pananawa sa akin
At dahil sa simple kong mithiin
Mahalin akong tunay, tapat, at totoo
Samahan ako hanggang sa dulo
Ng altar, ng walang hanggan
Tuparin ang pangakong 'di ako iiwan
At sa tagal ng panahon
Nasanay na sa pakiramdam ng pagtapon
Tila ba kwento ko ay nasulat na
At susunod na lamang sa tadhana
Ngunit binago mo ang tuluyan
Dinaya ang nakagisnan
Dahil nang ako ay iyong saktan
'Di ako pinagbigyan ng sansinukuban
lkaw ay kinuha sa akin
Ng Diyos na mahabagin
Ako ay nilisan
Iniwan nang tuluyan
Laking dusa ang dulot sa ’kin
Lalo na't iyong sinabi
Na ako na'y sasamahan
Sa dulo ng simbahan
Hindi ko maintindihan
Kung ba't ako laging nasasaktan
At ang sakit na dulot mo
Ay dulo na ng ating kwento
Ang dulo ng ating pagmamahalan
Ang dulo ng sinabi mong walang hanggan
Ang dulo ng dapat na tayo
Dahil wala ka na sa piling ko
0 comments: