filipino,

Literary: Ang Mamatay Nang Dahil Sa 'yo

11/10/2017 08:33:00 PM Media Center 0 Comments





Sa aking dugo at laman nananalaytay
Ang pagka-Pilipinong namana kina Inay at Itay
Pag-ibig sa bayang pinag-alayan ng kanilang buhay
Ang naging dahilan kung bakit sila’y sa akin nawalay.

Natanggap ko ang kanilang mga liham
Noong ako ay nasa edad pa lamang na siyam
Noon ay ‘di ko pa lubusang naiintindihan
Kung bakit kinailangan nila akong iwan.

Napakaaga para sa tulad kong musmos
Ang maging mag-isa at ituring na ulilang lubos
Ngunit buti’y nandyan ang aking lola at lolo
Na ang tuluyang suporta ay hindi naglaho.

Pinakain, inalagaan, binihisa't pinag-aral
Sinisigurong busog ako sa pagmamahal at pangaral
Hanggang sa makapagtapos, tinanong nila ang aking pangarap
Na kinatatakutan kong sabihin at sa kanila’y iharap.

“Gusto ko pong maging sundalo,” wika ko,
“Gusto kong sundan ang yapak ng mga magulang ko.”
Doon sila biglang umiyak, tumutol, at nagalit
Habang ibinubulalas ang tanong na “Bakit?”

“Gusto mo ba kaming iwanan tulad ng mga magulang mo?”
Sumbat ng aking naghihinagpis na Lolo.
“Mamamatay ka lang! Ayoko, mahal kong apo!”
Tangis ni Lola, sabay yakap sa aking braso.

Kahit nasasaktan, ako’y ngumiti, nagpasalamat sa kanila’t humayo,
“Estudyante pa lamang, sumumpa na ako sa bansang ito,
Aking ligaya na kapag may mang-aapi
Magsisilbi sa kanya mula ngayon hanggang dulo.

You Might Also Like

0 comments: