filipino,
4th QUARTER, AY 2016-2017
5:30 AM
Babangon sa kama, magsisimula ng bagong umaga. Kakain ng almusal at maliligo. Magsusuot ng uniporme, ihahanda ang mga gamit. ‘Ayan, handa na akong pumasok sa eskwela.
7:00 – 11:00 AM
Maaga akong pumapasok ng klase. Maghihintay sa silid-aralan hanggang sa dumating ang guro. Magsisimula ang klase. Makikinig sa mga lesson. Magsusulat ng notes. Gagawa ng seatworks. Magtatapos na ulit ang klase.
11:00 – 1:00 PM
Lunch time na. Didiretso na ako sa library para gawin ang mga bagay na sa susunod na linggo pa naman ang deadline. Mas gusto kong wala nang gagawin pagdating sa bahay, matutulog na lang. Para hindi na rin ako natatambakan ng gagawin. Para hindi nakaka-stress kapag sabay-sabay na silang dumadating. Pero, wala namang mga kailangang gawin, kaya nagre-rewrite na lang ako ng mga notes.
Tapos na rin siguro ang klase niyo, kaya nakakapag-text ka na.
"Nasaan ka? Ahehe."
Alam mo naman kung nasaan ako palagi pero tinatanong mo pa. Pero, dahil tinanong mo, sinagot ko pa rin.
"Nasa lib ako. Hahaha."
Pagdating mo ng library, nagyayaya kang kumain. Alam mo na madalas akong hindi kumakain kahit na palagi naman akong may dalang baon. Ayaw mo ring kumakain nang mag-isa. Kaya siguro sinasabay mo na ako. Saka tayo magkukuwentuhan.
"Kumusta mga klase mo kanina?"
"Ang haba nu’ng lesson kanina. Nag-overtime tuloy kami."
"Nagawa mo ba ‘yung homework? Baka mamaya nakalimutan mo na naman."
"Patingin nga ako notes baka may kulang ako."
"Nag-CEQ ba kayo?"
"Ano score mo?"
"Kaya 'yan, sus. Ikaw pa."
"Lapit na mag-time. Saan room niyo?"
Hanggang sa natapos ang tanghalian at pagkukumustahan natin tungkol sa mga ganap sa klase. Sabay tayong maglalakad papunta sa mga classroom natin. Magpapaalam at kanya-kanyang mundo na naman tayo.
1:00 – 4:30PM
Balik-klase na naman. Darating ang guro. Magsisimula ang klase. Magpapasa ng requirements. Makikinig sa mga lesson. Magsusulat ng notes. Magtatapos na ulit ang klase. Hanggang sa hindi namalayan ang oras, uwian na.
5:00 PM
Pagdating ng uwian, hindi na tayo nagkikita. Diretso akong uuwi sa bahay habang ikaw pupunta pa ng training.
"Nasaan ka? Nakauwi ka na ba? Ingat ha. Maya na lang. Magsisimula na training namin. Bye. Hehehe."
"Pauwi na. Hahaha sige ingat din!"
5:15 – 6:00 PM
Pagdating ko ng bahay, magbibihis, iidlip nang kaunti. Tapos, gigising at maghahapunan. Maghuhugas ng pinagkainan. Pupunta sa kwarto. Mag-aaral tapos gagawa ng mga takdang-aralin.
8:00 – 10:00PM
"Nakauwi na ako yehey. Woo kapagod :( Anong mga hw niyo? Hahaha."
Tapos na ako sa lahat ng mga kailangang gawin. Nagliligpit na ako ng mga gamit. Samantalang ikaw, kakauwi mo pa lang at magsisimula pa lang gumawa ng mga requirements. Hindi ko alam kung paano mo nababalanse ang pag-aaral pati mga ensayo. At kung paano ka pa nakakagawa ng mga requirements kahit na gabing-gabi ka na nakakauwi.
Matutulog na sana ako pero hindi pa naman ako dinadalaw ng antok. Saka ang dami mo pang tanong tungkol sa requirements. Hindi ko maipikit nang matagal ang mga mata ko dahil minu-minuto ang pagtunog ng cell phone ko.
Araw-araw na tayong ganito. Simula pa noong maging magkapareha tayo sa isang project dati noong Grade 9. Kaya hanggang ngayon, palagi na tayong magkapareha pagdating sa acads, kahit hindi naman required.
Palagi rin tayong magkatabi noon, by class number man o hindi. Kapag kailangan mo ng papel, sa akin ka humihingi. Kapag kailangan ko naman ng makakain, hindi ko na kailangang magpaalam, kukuha na lang ako agad sa baunan mo.
Minsan naman, ‘pag antok na antok ka na at hindi mapigilang makatulog sa klase, kinakalabit na kita agad para hindi mahuli ng titser. O kaya naman, madalas din tayong magkabiruan. Pero, hindi tayo umaabot sa mga malalalim na usapan. Kaunting biruan lang, tapos tungkol sa acads na ulit ang magiging usapan.
Pero kahit na ngayon na hindi tayo magkaklase, araw-araw pa rin tayong ganito. Magsisimula ang araw natin pagdating ng tanghalian. Mag-uusap tungkol sa klase at magtatapos ito sa paggawa ng mga requirements. Iyon na iyon. Hanggang doon lang palagi ang usapan natin, acads lang. Hindi na lumalampas doon.
Pero, oo, magkaibigan lang kami. Magkaibigan lang talaga kami.
11:00 PM
Sa wakas, natapos ka rin. Pero, hindi ko inaasahang tatawag ka pa. Palagi lang kasi tayo sa text nag-uusap.
"Salamat sa paghihintay na matapos ako gumawa ng reqs!! Hahahaha."
"Ayos lang, nasanay naman na ako."
"Pasensya na, mukhang antok na antok ka na ah."
"Hindi. Ngayon lang naman dumating 'tong antok ko na kanina ko pa hinihintay. Hehehe."
"Ah sige, sabi mo eh. Sana hindi magbago na ganito, ‘no?"
"Na ano?"
"Na palagi tayong sabay nag-aaral kahit na anong oras pa 'yan at kahit anong oras pa tayo abutin."
"Oo naman! Hinding-hindi magbabago 'yan. Pareho natin gustong mag-principal's list di ba? Hahahaha."
"Oo, hindi magbabago. Mag-principal's list tayo. Pero, sana.."
"Sana ano?"
"Sana pagkatapos noon... Sa atin kaya? May magbabago?"
Literary: Araw-Araw

0 comments: