bsp,

Bagong scouts, itinalaga

11/13/2017 08:02:00 PM Media Center 0 Comments



BATAS. Nagsisindi ng kandila si Joanne De Castro bilang bahagi ng seremonya. Photo Credit: Geraldine Tingco

Itinalaga ang mga bagong miyebro ng mga samahang scouting ng University of the Philippines Integrated School (UPIS) noong ika-27 ng Oktubre sa UPIS Gymnasium.

Sa hanay ng Girl Scouts ay 27 na bagong Senior GSP, 7 na bagong Junior GSP, at 33 na Cadets mula sa Batch 2020 ang itinalaga. Nagbigay si Dr. Lorina Calingasan ng panimulang bati at nagkaroon ng maikling talakayan tungkol sa samahang scouting. Bilang pagtatapos, nagtalumpati ang Council Representative na si Gng. Marilyn Espedido.


PIRING. Nakapiring na nakapila ang mga Boy Scouts bago dumiretso sa seremonya. Photo Credit: Geraldine Tingco


Samantala, pinangunahan naman ng mga Phoenix, boy leaders, at mga tagapayo ang pagtatalaga sa Senior Boy Scouts kung saan 27 na bagong Senior Scouts at 12 na bagong BSP ang itinalaga. Bilang panimula, si Dr. Lorina Calingasan din ang nagbigay ng paunang bati.

Matapos nito, nagkaroon ang Senior Scouts ng Investiture Camp sa gusali ng UPIS 7-12 na naglalayong mas makilala ng mga bagong kasapi ang samahan ng scouting. //ni Gian Palomeno

You Might Also Like

0 comments: