AMY,
Literary: Palarong Pinoy
Araw-araw lumalabas ng bahay at oras ay lumilipas
'Di namamalayan na ang kanilang mga gawain
Ay nakaaambag sa pambansang suliranin
Sipa
Sipa ang pambansang laro
Na ang maliit na bola ay sinisipa't pinapalo
Sira-sira, gula-gulanit na ang kalagayan
Hala! Tuloy pa rin ang pangmamaltrato
Bang Sack
Bang Sack kailangan na magtago
Kung noo’y sistematiko, may proseso
Ngayon kahit hindi kasali’y nadadamay
Ayan! Maging mga inosente’y napapatay.
Patintero
Patinterong mga balakid ay kailangang malampasan
Para makamit ang kaunlaran
Kailangan marami ka pang daraanan
Kasabay ng maraming humaharang.
Agawan Base
Agawan base bantayan mo’t baka manakaw
Sa isang iglap lang base mo'y mawawala
Mga kasama mo’y unti-unting nangagsiwala
Ginamitan ng dahas at mga armas.
Tumbang Preso
Tumbang preso patumbahin mo
Kailangan mawala ang makapangyarihan
Na binabantayan ang kaban ng bayan.
Nakuha lang ang mataas na pwesto kinuha na ang kayamanan.
Ang mga larong Pinoy
Sa bata’y libangan
Subalit kung pakalilimiin
Estado ng Pilipinas ay masasalamin rin
0 comments: