alex yangco,

Human Rights Week, idinaos

11/13/2017 08:08:00 PM Media Center 0 Comments



Idinaos ng Departamento ng Araling Panlipunan ang Human Rights Week sa University of the Philippines Integrated School (UPIS) noong ika-7 ng Oktubre, Martes.

Pinangunahan ng Kilusang Araling Panlipunan (KAP) at Departamento ng Araling Panlipunan noong Martes ang isang forum tungkol sa karapatang pantao sa UPIS Gymnasium. Bilang panimula, nagtalumpati ang Secretary General na si G. Roneo S. Clamor ng samahang KARAPATAN na nagsusulong at pinoprotektahan ang karapatang pantao.

Tinalakay ni G. Clamor ang mga isyu na hinaharap tungkol sa karapatang pantao at kung paano makakatulong ang mag-aaral ng UPIS sa isyung ito. Binigyang diin naman ni Bb. Shari Oliquino, isang alumna ng UPIS, ang neoliberalismo at kinonekta ito sa mga karanasan ng mga manggagawang Pilipino sa kasalukuyan.



KARAPATAN. Tinalakay ni G. Clamor ang kahalagahan ng mga karapatang pantao at mga isyung kinakaharap ngayon. Photo Credit: Gian Palomeno


Ginanap naman ang Tagis-Talino 2017 noong Nobyembre 8 sa Ramp Area kung saan hinirang na panalo ang Group 6 na binubuo nina Jude Benedict Gabriel, Alison Argayosa, Ma. Alexandra Maximo, at si Julliane Barin para sa 3-6 at Group 4 naman na kinabibilangan nina Achilles De Leon, Gabrielle Santiago, Gaudette Ann Garcia, at si Rizza Cabrera para sa 7-10.

Ginanap naman ang culminating activity at awarding ceremony sa Biyernes, Nobyembre 10 sa Gymnasium mula 3:30 hanggang 4:30 ng hapon at pinangunahan ito ng Departamento ng Araling Panlipunan. //nina Gian Palomeno at Alex Yangco

You Might Also Like

0 comments: