7-10,
Nahirang si Tristine Badong ng Batch 2012 bilang kauna-unahang UPIS Idol sa patimpalak sa pag-awit na ginanap sa Multi-Purpose Hall noong Agosto 31.
Mula sa labinlimang kalahok, anim lamang ang nakausad sa nasabing paligsahan. Ang mga ito ay sina Cheska Ardon at Tracy Carreon ng Batch 2015, Deneese Montalbo ng Batch 2014, Mikee Neri ng Batch 2013, at sina Badong at JC Catungal ng Batch 2012.
Nakakuha si Badong ng 97.5% para sa kanyang rendisyon ng awiting Salamat. Kasama niya sa top three sina Cheska Ardon na umawit ng Hahayaan mo ba? Papayagan mo ba? at JC Catungal na kumanta ng Kahit Isang Saglit.
Ang lupon ng inampalan ay pinamunuan ni Mr. Luigi Teola, ang pangulo ng UP Singing Ambassadors. Ang kasama niyang mga hurado ay sina Prop. Rowena Del Castillo, puno ng Departamento ng Filipino, Prop. Michael Angelo Dela Cerna, Bb. Zyra Cruz, Prop. Grace Sumayo, at Bb. Jean Katherine Sales. (YM, CC)
Unang UPIS Idol, hinirang
ni Angela AquinoNahirang si Tristine Badong ng Batch 2012 bilang kauna-unahang UPIS Idol sa patimpalak sa pag-awit na ginanap sa Multi-Purpose Hall noong Agosto 31.
Mula sa labinlimang kalahok, anim lamang ang nakausad sa nasabing paligsahan. Ang mga ito ay sina Cheska Ardon at Tracy Carreon ng Batch 2015, Deneese Montalbo ng Batch 2014, Mikee Neri ng Batch 2013, at sina Badong at JC Catungal ng Batch 2012.
Nakakuha si Badong ng 97.5% para sa kanyang rendisyon ng awiting Salamat. Kasama niya sa top three sina Cheska Ardon na umawit ng Hahayaan mo ba? Papayagan mo ba? at JC Catungal na kumanta ng Kahit Isang Saglit.
Ang lupon ng inampalan ay pinamunuan ni Mr. Luigi Teola, ang pangulo ng UP Singing Ambassadors. Ang kasama niyang mga hurado ay sina Prop. Rowena Del Castillo, puno ng Departamento ng Filipino, Prop. Michael Angelo Dela Cerna, Bb. Zyra Cruz, Prop. Grace Sumayo, at Bb. Jean Katherine Sales. (YM, CC)
yearly na ba ito?
ReplyDelete