chapter 3,

Literary: Isang Araw (Chapter 3)

9/19/2011 08:00:00 PM Media Center 11 Comments

Ang kwentong ito ay ipinasa ng staff ng Media Center 1 2012 bilang kanilang creative writing project para sa unang semestre. Sama-sama nila itong binuo, sinulat, at pinaghirapan.

Sa kwentong ito, ang mga tauhan at mga pangyayari ay pawang kathang isip lamang. Hindi hango sa tunay na buhay o karanasan. Ang anumang pagkakahawig sa tunay na buhay ay nagkataon lamang at hindi sinasadya. Walang bahagi ng kwentong ito ang maaring ilathala at gamitin sa anumang paraan nang walang pahintulot ng may-akda.


Chapter 3: ENGLISH

9:00 am

Hay salamat! Tapos na ang Math. Laking ginhawa talaga ‘pag lumalabas na ng Math room. English naman! Naku, hindi ko rin masyadong trip ang English eh. Pagbabasahin uli siguro kami ng sandamakmak na articles para sa research.

“Hoy Glo-Ria, ang sakit sa bangs ng Math ‘no?” sabi ni Grace habang naglalakad kami.

Nagulat ako kaya sabi ko, “Oo! Lalo na kung wala kang sci-cal! Paano ka papasa kung wala?! Tsaka ‘wag mo nga akong tatawaging Glo-Ria.” Iniba ko ang usapan bago pa niya tanungin kung bakit wala akong sci-cal.

Iba na yata talaga ‘to. Kailangan ko ‘yung sci-cal ko sa Trigo pero pinahiram ko pa rin kay Andrew. Grabe,hindi man lang niya ako tinext ng “thank you”. Nagpasalamat naman siya pero kasiiiiiiiii…. sine-save ko ‘yung messages niya eh. Kaya sana nag-text siya.

Hay, hindi ko alam kung tama pa ba ‘tong ginagawa ko. Basta alam ko, napapasaya niya ako.
Nasa tapat na kami ng TriNorma nang sabi ni Grace, “Una na ‘ko, Glo-Ria. Mag-uusap pa kami ng groupmates ko.” Tumango na lang ako. Mabagal kasi ako maglakad.

Pagdaan ko sa Health Pav., naalala kong PE ang sunod na klase ng 10-Molave. Paniguradong inspired na naman ako nito sa English kasi makikita ko siyang maglaro ng Table Tennis sa katapat naming pavilion. Madalas kasi siyang sumasali sa mga kaklase niya kahit na varsity siya.

9:07 am

Natanaw ko si Ma’am Angeles na pumasok sa room. Shocks! Late na naman ako. Aga-aga niyang dumating talaga!

Tumigil ako sa labas ng pinto at hinintay na mapansin ni Ma’am.

“Yes, Ms. Santos? Why are you late?” bati sa akin ni Ma’am kaya kinabahan ako.

Wala na akong ibang naisip na dahilan kundi… “Uhm… Good morning Ma’am Angeles! Sorry I’m late. I talked to our student teacher in Math.”

09:11 am

Nataranta ako doon ah! Buti na lang nakalusot ako at pinapasok pa rin ni Ma’am. Dali-dali akong umupo sa upuan kong malapit sa bintana. Pero wala akong nakita, di pa dumadating ‘yung klase nila. Mahirap siguro ‘yung IPSA?

“Class, did I make myself clear?” bigla kong narinig.

Halaaaaa… May ipinapaliwanag pala si Ma’am Angeles. ‘Di ko napansin dahil sa katitingin ko sa bintana.

“Again, Ms. Santos, did I make myself clear?” Inulit ni Ma’am ‘yung tanong pero sa pagkakataong ito, sa akin niya na lang tinanong.

“Uhm… Ma’am?” hindi ko alam kung anong isasagot ko. Hindi naman ako maka-yes kasi hindi naman talaga clear sa akin.

“Okay, for the benefit of those like Ms. Santos who were not listening, today, we are going to the library and you will be working with your groups. Look for 6 recent news articles, 3 international and 3 local. Write their relevance to your topic on a whole sheet of pad paper. Understood?”

“Uhm… Yes, Ma’am,” nahihiyang sagot ko sa kanya dahil leyt na nga ako, lutang pa.

“Good. Let’s go. Turn off the lights and fans before you leave.”

9:17 am

“Bangag ka ba Ria?” sabi ni Grace, sabay tawa. “Ano na naman bang iniisip mo?”

“Wala. Bakit ba? Excited lang akong pumunta sa library,” sabi ko.

Pero sa totoo lang, ang lakas ng kaba ko nung lumabas ako ng room. Ito yung kaba na nararamdaman ko tuwing alam kong magkakasalubong ang mga seksyon naming dalawa eh. Baka isasauli na niya ‘yung sci-cal ko kaya ako ganito.

Hinila ko ang mga kaibigan kong sina Grace at Bea papunta sa unahan ng pila. Kailangang mauna ako kasi baka hindi ko sila maabutan. Baka nakaliko na sila sa Health Pav. bago ko siya makita.

“Hoy, bakit ka nagmamadali? Ano bang hinahabol mo?” pangungulit ni Grace.

“Oo nga, Glo-Ria. Hindi ka naman mauubusan ng dyaryo,” pang-aasar ni Bea.

“Paulit-ulit? Eh sa excited nga ako!” sagot ko. Ang kukulit ng mga ‘to.

Hmm… Okay, wala talaga. Mamayang lunch ko na lang siya hahanapin. Nalungkot ako pero hinayaan ko na lang.

9:22 am

Pumasok na kami sa library. Umupo kami ng mga kagrupo ko sa paborito naming pwesto malapit sa electric fan. Sinimulan na nila ang paghahanap ng dyaryo pero ako, nanatiling nakaupo.

“Uy Ria, okay ka lang ba? Anong problema?” napansin yata ni Bea na may malalim akong iniisip.

“Ha? Ako? ‘Di, okay lang ako. Samahan mo ‘ko, CR tayo.”

“Sige, paalam tayo kay Ma’am.”

“Ma’am Angeles, may we go out?” sabay naming paalam kay Ma’am pero…

“Girls, one at a time. Ria, you go first.”

Mag-isa na lang akong pumunta sa banyo. Naisip kong baka ‘pag naghilamos ako, mabubuhayan ako at gaganahan nang gumawa para sa research.

Pero hindi dahil sa paghihilamos ko kaya ako nabuhayan.

“AYYY! TAKTE!” nadulas ako dahil sa katangahan ko. Hindi ko nakita na basa pala ang daanan sa tapat ng banyo.

Naramdaman kong may lumapit. May tila mabigat na kamay na mahigpit na kumapit sa mga balikat ko. Dahan-dahan akong tinulungang makatayo.

“Huy, Bes, ayos ka lang ba?”

Si Alex pala. Napatakbo yata siya nang makita niya akong nadulas. Mukhang galing siya sa canteen.

At kasama niya si Andrew!

Nakita kaya niya akong nadulas? Kasi parang malayo ang tingin niya sa akin. Kung nakita niya ko, bakit hinayaan niyang si Alex ang tumulong sa akin? Sana hindi niya talaga nakita para hindi ko na isiping wala siyang ginawa para tulungan ako.

“Thank you, Bes! Tanga ko talaga, sorry.”

“Ingat kasi. Kung anu-ano yatang iniisip mo eh. Hehe. Ay teka…” sabay bukas ni Alex ng backpack niya. “Sci-cal mo nga pala.”

“Ahhh… ok… sige una na ako. Mamayang lunch na lang.” Iniwan ko na sila at bumalik na ko sa library.

ITUTULOY

You Might Also Like

11 comments:

  1. nakakatuwa ang chapter3!haha
    pero bitin na naman =(

    ReplyDelete
  2. Hahaha! Katuwa naman. Kaso nakakabitin.. =)) Chapter 4 naman! :)

    ReplyDelete
  3. ang cute cute ni ria. so flown away with her thoughts. reminds me of my high school years. easy read but good. keep it up. good luck with chapter four

    ReplyDelete
  4. Chapter 4 naman po! =)) Bitin much eh HAHA

    ReplyDelete
  5. NumberonefannilaRiaatAndrewSeptember 20, 2011 at 8:21 PM

    ughhh, bitin na naman :( kelan ba chapter 4?

    ReplyDelete
  6. chapter 4 na. :DD -- nits :)

    ReplyDelete
  7. haha nice:D keep it up mc!

    ReplyDelete
  8. nice!!! KILIG grabeh!

    ReplyDelete