basketball,
Matagal-tagal na ring umaasa ang UPIS na muling makamit ang kampeonato sa UAAP Juniors Basketball. Sa kasaysayan kasi ng UAAP, isang beses pa lang nagkamit ng unang pwesto ang koponan ng UPIS at ito’y noong 2002 pa.
Sa mga istatistikang nakukuha ng Juniors, hindi maalis sa isipan ng koponang ito na mahina ang Junior Basketball Team. Tila nakatatak na sa isipan ng lahat na sa tuwing maglalaro ang UPIS, siguradong panalo na ang kalaban. Masakit mang tanggapin, ngunit kadalasa’y ito ang nangyayari.
Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na pang-akademiko ang prayoridad ng UPIS. Kung kaya naman, ang badyet para sa mga varsities ay kakarampot lamang. Kumpara sa mga pribadong eskwelahan, wala tayong sariling “totoong basketball court,” kapos tayo sa badyet, at maliit ang populasyon ng UPIS kaya mahirap maghanap ng mga maaaring “homegrown talent.”
Kapag sinabi kasing UAAP Juniors Division, nagpapasahan lang ng korona ang Ateneo at La Salle. Kapag sinabi namang UPIS, underdog kaagad ang kaakibat na pang-uri. Minsan pa nga, talunan. Ayon nga sa mga usap-usapan sa loob ng UPIS campus at madalas na ring mabanggit ng mga sportswriter dati, ang Juniors ay may proud history of losing. Aminado naman tayong marami talaga ang talo ng UPIS.
Ngunit sa aking pagsubaybay sa Season 74 ng UAAP Juniors Division, kapansin-pansin ang improvement ng Juniors. Hindi pa tayo nananalo, pero makikita mo yung “iginaling” ng mga players. May ilalaban na talaga. Talo man tayo, magkalapit na ang iskor – isang malaking improvement sa basketball team na kadalasang tambak. Sa mga improvement na ito ng ating koponan, malungkot mang isipin, wala pa ring nakakapansin. Ang laman ng mga artikulo sa diyaryo’t internet ay ang mga laro lamang ng malalaking pribadong eskwelahan.
Himala? Hindi. Hindi himala ang pag-improve ng ating mga manlalaro. Sipag at tiyaga ang kanilang puhunan. Nakatutulong rin ang mga VAAS recruits mula sa ibang paaralan.
Sa mundo ng basketball, ang mga matatangkad ay may malaking advantage. Tignan mo na lang ang mga manlalaro ng Ateneo at La Salle. Manliliit kang talaga pag nakita mo sila. Mapag-iisip ka: Paano na kaya tayo? Halos 3 lang ang matangkad, at karamihan pa ay di katangkaran. Paano tayo mananalo? Mananalo pa kaya tayo?
Sabi nga, maaaring malayo pa tayo sa pinapangarap na kampeonato, maaaaring hindi tayo ang pinakamagaling, pero sa puntong ito, kailangan pa ba nating intindihin kung ano ang iniisip ng mga taong walang tiwala sa ating koponan? Kailangan ba nating intindihin ang mga taong mabilis mawalan ng pag-asa? Wala man tayong sobrang galing at skilled na manlalaro, at nagsisitangkarang player, eh ano ngayon? Matibay naman at malakas ang kanilang loob. May mukha pa ring naihaharap sa bawat taon ng UAAP kahit laging talo. Sa determinasyon at lakas ng loob, dito tayo panalo.
Siyempre, hindi mawawala ang cliché sa konklusyon. Ang bawat team ay dapat mayroong pagsisikap, tiwala sa sarili, at higit sa lahat, ang pagtutulungan at teamwork. ‘Yan ang mga esensyal na pangangailangan sa bawat koponan. Nakikita naman ang mga katangiang ito sa mga manlalaro. Isa na lang ang kulang. Yung dapat manggaling sa atin, bilang miyembro ng komunidad ng UPIS – ang suporta. Suportahan ang bawat laro, manood, makisigaw at makipalakpak sa paminsan-minsang shoot ng mga players. Sa huli, nanonood naman tayo para mag-enjoy di ba?
Kung gusto mo ng drama, college rifts at rivalries, nandyan ang Ateneo at La Salle. Pero kung gusto mo nang inspirasyonal na koponan, pinapanidigan ang kasabihang “life goes on,” nandito ang UPIS, lalaban hanggang sa katapusan.
Opinion: Underdog
ni Ysmael MendozaMatagal-tagal na ring umaasa ang UPIS na muling makamit ang kampeonato sa UAAP Juniors Basketball. Sa kasaysayan kasi ng UAAP, isang beses pa lang nagkamit ng unang pwesto ang koponan ng UPIS at ito’y noong 2002 pa.

yeah, i know!!!! I support the UPIS junior basketball team!! "fightin' till the end!" hindi sumusuko hanggang sa huli. Ganyan ang basketball team ng UPIS! matalo man o matalo, cute pa rin sila! (jowk!) syempre magagaling pa rin :D
ReplyDeleteDear Anonymous,
ReplyDeleteHaha! Be Proud of our Team! :)) By the way, May Game sila this Sept. 3, Ateneo Blue Eagles Gym, Kalaban ang DLSZ. Sa sept. 10 naman, Same Venue, against UE. Support the Juniors! :))