7-10,

7-10 nagtagisan ng galing sa Culmi

9/10/2011 08:24:00 PM Media Center 0 Comments

Muli na namang ipinakita ng mga mag-aaral ng UPIS ang kanilang husay at talento sa Culminating Activity ng Linggo ng Wika at Kasaysayan na idinaos noong Setyembre 5.

Umikot sa temang Wika at Kasaysayang Pilipino, Landas sa Pagsulong ng Karapatang Pantao ang pagtatanghal ng bawat grado.

Ang mga nagwagi sa paligsahan ng mga seksyon.
Clockwise L-R: 7-Jupiter, 8-Butterfly, 10-Lauan, 9-Iron
Unang nagpakita ng madulang Sabayang Pagbigkas sa tulang Panata sa Kalayaan ni Amado V. Hernandez ang batch 2015. 7-Jupiter ang nagkamit ng unang gantimpala.

Nagwagi naman ang 8-Butterfly sa kanilang interpretatibong sayaw ng kantang Karapatan ni Toto Colongon.

Sa paligsahan ng Tugtuging Etniko sa Grado 9, kinailangang lumikha at tumugtog ng musikang etniko ang mga kalahok na seksyon at bigyan ng karampatang sayaw na saliw dito. Inuwi ng 9-Iron ang unang gantimpala sa patimpalak na ito.

Huling nagpakitang gilas ang mga estudyante ng Grado 10. Inihandog nila ang sari-sariling bersyon ng Sayawit sa mga kantang OPM tulad ng Tatsulok, Upuan, Balita, Batingaw at iba pa. 10-Lauan ang nagtagumpay sa patimpalak na ito.

Sina Prop. Michael Angelo Dela Cerna, Prop. Devora Tengson, at Prop. Rowena Del Castillo mula sa Departamento ng Sining Komunikasyon Filipino; G. Leujim Martinez at Bb. Catherine Carag mula sa Departamento ng Sining Komunikasyon Ingles; Bb. Deceniv Dela Cruz mula sa Departamento ng Health at PE; at si Prop. Czarina Agcaoili mula sa Departamento ng Araling Panlipunan ang bumuo sa lupon ng inampalan. -- ulat nina Sarah Romero, Ysmael Mendoza, Kaye Banaag, Jomil Gutierrez, Joakim Cadapan

You Might Also Like

0 comments: