chapter 2,
Sa kwentong ito, ang mga tauhan at mga pangyayari ay pawang kathang isip lamang. Hindi hango sa tunay na buhay o karanasan. Ang anumang pagkakahawig sa tunay na buhay ay nagkataon lamang at hindi sinasadya. Walang bahagi ng kwentong ito ang maaring ilathala at gamitin sa anumang paraan nang walang pahintulot ng may-akda.
Chapter 2: PISIKA
Lagot! Late ako. Buti na lang walang special flag.
Mabilis akong naglakad papunta sa may office. Kailangan ko siyang makita. Nasaan kaya siya? Ano nga bang unang klase nila? Math yata.
Ayun! Hay salamat! Buti na lang mabagal siya maglakad. Haha. Naabutan ko siya sa may canteen annex. Kinalabit ko ang kanyang likod.
"Ria!" ang sabi ko. Dahan-dahan siyang lumingon at humarap sa akin na parang nagtataka. Sabi nila hindi daw maganda ‘tong si Ria pero para sa akin, isa siya sa mga pinakamagaganda sa school. Tapos mabait, matulungin, masipag, responsible pa siya. Ay basta lahat na nasa kanya. Siya na.
Oo nga pala... Baka makalimutan ko pang sabihin kung anong kailangan ko kaya ko siya hinahanap. "Pahiram ng Sci-cal. IPSA eh!”
"Sci-Cal? Ha... eh…” ang sagot ni Ria, sabay halungkat sa bag niya. “O, eto o. Isauli mo ha?" Maganda ang boses niya. Malambing. Mabait. Hindi na ako nagtataka kung bakit... kung bakit marami siyang kaibigan.
“Salamat! Wala ‘kong ID eh. Hindi ako makakahiram kay Ma’am Razon."
Hala! Tanga! Ano bang pumasok sa isip ko para sabihing wala akong ID? Ang tanga ko naman. Ang tanga-tanga mo talaga, Andrew. Hindi naman siguro niya napansin na suot ko ang ID ko, ‘no? Sana hindi…
"Nasan si Alex?” tanong ko, para maiba ang topic.
“Ah... nauna na sa room n’yo. Mag-rereview pa raw e.”
Hindi ko alam ang gagawin ko. Yayayain ko ba siya? Ihahatid ko ba siya? Bahala na nga.
“Tara, sabay na tayo. May itatanong ako kay Joshua."
"O, sige. Kaso, hindi ka ba male-late?"
Malelate ako siyempre, pero okay lang naman kaya sabi ko…
"Hindi 'yan, lagi namang late si Sir eh. Tara na..."
Ano ang sasabihin ko? Kukumustahin ko ba siya? Magkukwento ba ako? Ang awkward talaga ng ganito e pero mahirap na... Nakakaasar.
"Kumusta ka naman?" sabi ni Ria. Nauna pa siyang magsalita. Nauna pa siyang magtanong.
Gusto kong sabihin na santambak ang requirements, nakakapagod ang training, napakaraming responsibilidad na dapat asikasuhin pero ang tanging nasabi ko ay, “Okay lang.” Badtrip naman.
Nakarating na kami sa classroom nila. Napansin ko agad na kakaiba ang ngiti ni Grace nang makita niya kami. Kaya... “Ria, tignan mo nga kung nandiyan na si Joshua o, may kukunin lang ako para sa BSP.”
“Grace, si Joshua?” tanong ni Ria.
“Si Joshua? Hmmmm.. Wala pa…” sabi ni Grace na nakangiting parang may ibang ibig sabihin.
“Okay lang, mamaya na lang siguro. Sige ha, alis na ako,” sabi ko. Kumaway ako at kumaway rin siya habang nakangiti. Hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko na ngumiti sa tuwing nakikita ko rin siyang masaya. Grabe, umagang-umaga... Whoo.
8:07 am
Pagdating ko sa klase wala pa namang masyadong tao. Hindi pa nga nag-uumpisa ang IPSA. Buti na lang. Hay, maitext nga si Ria...
To: Ria
Uy Ria! Salamat sa Sci-Cal a.
Soli ko mamya. :))
*Message sent!*
“Hoy, Andrew. Ngiti mo, abot langit na naman…” biglang sabi ni Alex. “Ay.. ano yan… Bakit… Ano ‘yang Hello Kitty na sticker na ‘yan sa Sci-Cal mo? Bakla ka talaga e ‘no, sabi na nga ba eh,” sabay hablot sa sci-cal na agad ko namang binawi. Akala ko tapos na siya pero hindi pa siya tumigil. “Ay, parang pamilyar… parang… Sci-Cal ‘yan ng best friend ko ah!” dagdag pa niya. Wala akong masabi kay Alex. Nakakahiya naman ‘to.
“Bakla ka diyan. Sira ulo!” sabay batok ko sa kanya. “Isuot mo na nga ‘yang polo mo. Maabutan ka pa ni Sir na ganyan eh, baka magmisa na naman yun, umagang-umaga baka magsermon na naman ‘yun...”
“Bakit ka pa nanghiram kay Ria? Takte. May ID ka naman a? Suot – suot mo pa! Hahaha,” sabi ni Alex, ayaw talaga akong tigilan.
E gusto ko, paki ba nitong mokong na to? Pero di ko na nasagot. Dumating na si Sir. Buti na lang. Saved by Sir.
8:13 am
IPSA na.
A transformer is used to power a 27.5 V lamp is plugged into a 220V outlet. If the lamp as a resistance of 40Ω calculate for the primary current…
Okay. Easy.
Ilang beses ko nang patagong tinitingnan ang cell phone ko pero wala pa ring reply si Ria.
8:20 am
Takte, bakit wala pa rin? Bakit ayaw niyang magreply?
8:23 am
Hindi pa rin nagrereply. Hindi naman siya ganito ah. Mabilis siyang magreply. Lagi siyang nagrereply. Ano kayang problema?
Naisip ko nang makitext sa iba. Pag talikod ni Sir, siniko ko si Alex. "Pa-text nga si Ria. Itanong mo kung nag-quiz.”
"Ang tindi mo, dre," sabi ni Alex. “Nasa klase naman kasi. 'Sus naman.”
"Eh, basta, itext mo na lang."
8:25 am
"Dre, nagreply na. Ano na sasabihin ko?"
Kahit hindi ako okay, “Ah sige, okay na," sabi ko. Nakakaasar. Bakit kay Alex nagreply agad?
Ano ‘to? Anong illustrate the direction of the quantity being asked? Use right hand rule pa raw. Alam ko ‘to eh.. Bakit di ko na matandaan bigla?! Badtrip talaga o!
"O, dre. Bakit biglang kumulubot yang mukha mo? Hahaha!" Nakakaasar 'tong Alex na 'to a. Mang-aasar pa. Bibigwasan ko 'to e...
Pero anong problema ni Ria? Okay naman kanina. Nakakapanibago. Kapag bigla ko naman siyang tinetext kapag may klase, kala mo parang kidlat sa bilis kung magreply e. Bakit ngayon hindi?
8:50 am
“Last 5 minutes!”
Hala! Patay ako nito. Isang tanong pa lang nasasagot ko. Ano ba namang buhay 'to?
Binabasa ko ang mga tanong pero wala akong maintindihan. Bagsak. Patay. Paano na ako nito? Bahala na. Nakakaasar. First subject pa lang ganito agad.
9:00 am
Ipapasauli ko na lang tong sci-cal kay Alex. “Dre, isauli mo nga ‘to kay Ria.”
“Bakit ako?” sabi ni Alex.
“May kukunin ako sa ano, eh. Basta, isauli mo na lang.”
Tumalikod ako agad at umalis na.
ITUTULOY
Literary: Isang Araw (Chapter 2)
Ang kwentong ito ay ipinasa ng staff ng Media Center 1 2012 bilang kanilang creative writing project para sa unang semestre. Sama-sama nila itong binuo, sinulat, at pinaghirapan.Sa kwentong ito, ang mga tauhan at mga pangyayari ay pawang kathang isip lamang. Hindi hango sa tunay na buhay o karanasan. Ang anumang pagkakahawig sa tunay na buhay ay nagkataon lamang at hindi sinasadya. Walang bahagi ng kwentong ito ang maaring ilathala at gamitin sa anumang paraan nang walang pahintulot ng may-akda.

Okay. Nakakatuwa tong lalakeng to. :D
ReplyDeleteBITIIIN. :))
Sino kaya si Andrew? :)
ReplyDeletesuper like. mutual talaga sila. hahaha. Di masagutan ang IPSA ahhhh
ReplyDeleteO edi ako na ang kinilig :">
ReplyDeleteaww. wala yung Imposibleng Pasado Sa Agham. :( oh well. ang cool parin. :D
ReplyDeleteastig! :) can’t wait for the next chapter! :D
ReplyDeleteYeheeeey :-)
ReplyDeleteHindi po ba ito based on true story? =))
ReplyDelete:"> ahihibrrrr
ReplyDeleteAHAHAHAHAHA! Ang hirap naman ng tanong :)) lol. @anonymous: mukhang ngang based on a true story XD
ReplyDeletekinilig ako....!!! ;")
ReplyDeleteAng ganda naman! Hahaha. Sino pong nagsulat? :)
ReplyDeletekakakilig di ko mapigilan pagngiti ko XDD
ReplyDeletemaganda yung nagsulat neto:">
ReplyDeleteNakakatuwaaaa. :""">
ReplyDeleteOo.. MAGANDA po talaga nagsulat nito! :">
ReplyDeletesino ba nagsular nito?
ReplyDeletepero, nakakakilig :">
Dude nga pala si Alex. x)
ReplyDeleteHmmm. Lemme guess...
ReplyDeleteMagiging ka-love triangle pa nila si Alex or something of the sort.
hahaha. torpe si andrew!
ReplyDelete