chapter 4,
Sa kwentong ito, ang mga tauhan at mga pangyayari ay pawang kathang isip lamang. Hindi hango sa tunay na buhay o karanasan. Ang anumang pagkakahawig sa tunay na buhay ay nagkataon lamang at hindi sinasadya. Walang bahagi ng kwentong ito ang maaring ilathala at gamitin sa anumang paraan nang walang pahintulot ng may-akda.
Chapter 4: Sining Praktika
10:30 am
"Molave! Binigay na ni Ma’am ‘yung time para makapagplano tayo sa function. Plano na tayo, dali.” Walang sumagot.
“O, ano na? Plano na tayo? Ano ng theme natin para sa function? Hoy, Molave! HOOOOOOY!" Nagulat ako sa pagsigaw ng presidente naming si Pao.
Galit na ata. Hindi kasi magkasundo ang klase sa theme. Dapat tapos na mamaya. Pero kasi pasigaw-sigaw pa, takte. Nag-iisip ako ng mga bagay-bagay tapos ganyan. Pinabayaan ko nga.
Hay. Ano kaya naisip ni Ria na hindi ako 'yun nagsauli ng Sci-Cal niya? Eto naman kasing Alex na ‘to dun pa sa harap ko isasauli. Wala talagang diskarte. Nakakailang tuloy.
Tinitignan ko si Ria kanina habang naglalakad siya ng bigla siyang nadulas. Tinignan ko si Alex na parang sinasabi na “Tulungan mo si Ria!!!” Buti tinulungan naman niya. Gusto ko siyang tulungan kaso... Hindi talaga pwede.
Bahala siya. Ang manhid niya. Ayaw ko rin namang puro ako ang nagpaparamdam. Na puro ako lang ang kumikilos. Badtrip ako sa kanya tapos tutulungan ko siya? Anong sense no'n? Siya na nga 'tong hindi nagreply tapos...
Nagulat ako ng may biglang tumapik sa balikat ko. "Yo, bro! What's up? Hahahahaha! Lalim ng iniisip natin ah? Ano lalangoy na ba 'ko? Hahaha."
Si Zara pala. Simula bata magkakilala na kami. Magkapitbahay kasi kami tapos magkumare pa mga nanay namin, e ‘di ‘yun. Halos simula nursery pa lang ata magkaeskwela na kami, kaya kilala na namin talaga ang isa’t isa. Kaya nga minsan napapagkamalan na kami na eh. Pero hindi talaga kami talo. Parang magkapatid na kami.
Sana nga kay Ria na lang ako inaasar na ganito e. Nakakamiss tuloy nung 8-Dragonfly pa kami. Lagi kaming inaasar kasi lagi rin kaming magkasama nung grade 8. Nakakamiss nga noong...
"Ano na namang iniisip mo, Drew? Patay ka niyan kay Pao, wala ka pang nako-contribute. Hahaha!" Kantyaw pa ng kantyaw 'tong si Zara. Wala ring magawa e'no...
"Biro lang, hoy. Kumunot na naman 'yang noo mo, bespwet. Haha. Ano problema mo?"
"Pwet. Kasi ano, eh... Basta..."
"Parang alam ko na yan. Si ano ba? Si ano... Yieee.. Ehem, Ria, Ehem."
Di ako sumagot.
"Ano na bang nangyari?" tanong ni Zara.
"Eh, 'di nagreply kaninang Physics eh. 'Di ba lagi kasing nagrereply agad 'yun. Ang sakit lang." Nanlaki bigla mata niya na parang nagtataka. Ano bang trip nito?
"'Di lang nagreply?! OA mo ah! Pero okay lang 'yan, nararamdaman ko rin naman 'yan,” sabay ngiti sa akin ni Zara. “Chill lang, bespwet. Maaayos niyo din 'yan noh! Smile naman diyan o!” sabi niya bago nakipag-apir.
“Hoy, Zara. Tingnan mo nga kung okay na ‘to,” tawag ni Pao kaya bumalik na siya sa committee niya at nakipag-usap na dun. Haaaay. Buti na lang may mababait akong kaibigan kung hindi. Paano na lang ako nito?
10:51 am
"O, ano? Okay na ba 'to? Italian na tayo sa function ha? Oy, Molave!!!" sigaw na naman ni Pao.
"Oo nga! Okay na 'yan!" sabi naman ng mga kaklase ko.
“Sure na kayo rito ha? Utang na loob! Wag kayong magrereklamo ah! Ang magreklamo, pepektusan ko! Final na ba ‘to?” sabi pa ni Pao.
“Oo nga! Gutom na gutom na ako! Tara na, daliiiii! Lunch na tayo! I’m too awesome to be hungry!” hirit pa nitong si Alex.
Si Alex? Takte, si Alex. Nasa likuran ko lang si Alex.
"Dre, kanina ka pa nandiyan?" tanong ko sa kanya.
"Alangan. Dito ako nakaupo 'di ba? Putek 'yan," sabi ni Alex.
"Sabi ko nga."
Narinig niya kaya mga sinabi ko? Narinig niya kaya mga pinag-uusapan namin ni Zara? Baka sabihin niya kay Ria... Patay...
"Zara! Zara! Hoy, pwet!"
Lumingon siya sa akin. “Teka lang.”
“Tara na rito,” pangungulit ko.
"Ano na naman ba? Wait lang. Nag-uusap pa kami eh..."
"May sasabihin ako."
Lumapit ako sa kanya at binulong ko, "Hoy, napansin mo ba kanina si Alex? Takte.”
Tumawa lang siya ng malakas. Nakakaasar.
“Baka narinig niya pinag-uusapan natin at umabot kay Ria 'yun, hoy."
"Eh, hahah. Hindi ko napansin. Hahahha. Bahala ka diyan. Hahahhah!” Tawa lang siya ng tawa. “Ayos nga ‘yun eh, okay lang ‘yun na malaman ni Ria. Ayaw mo yun, pag nalaman niya, kikiligin siya, tapos liligawan mo siya, tapos, sasagutin ka na niya, tapos usual na away-bati lovelife, tapos ipapakilala mo siya sa parents mo, tapos ikakasal kayo, tapos, magkakaanak kayo, tapos... Mamamatay na kayo! And we all live happily ever after! Hahahah!”
“Ano bang pinagsasasabi mo, hoy?!” Takteng Zara ‘yan. Daming kalokohan.
11:11 am
11:11 na. Nagwish na naman siguro 'yung si Ria... Lagi niya 'yung ginagawa eh... Hay. Bakit ko ba siya iniisip? Galit nga ako sa kanya e. Takte naman. Hindi ko lang mapigilin na isipin siya.
“Oy, ikaw, Raymond! Ikaw na bahala sa pamimili ha,” sigaw na naman ni Pao. “Ikaw, ano, Justine! Ikaw na leader sa pagluluto ha! Kailangan niyong tandaan ‘tong mga inassign ko, Molave!”
Hay. Nakakatamad na 'tong PA. Bulyawan nang bulyawan. Buti na lang petiks kahit papano. Hay.
11:42 am
"Tara na, Molave. Ok na. Pwede na tayo mag-lunch. Drew, ikaw na lang maglagay nito sa table ni Ma’am," sabi ni Pao. Binigay niya yung project plan sa akin.
Isa-isang nagsi-alisan ang mga kaklase ko. Kinuha ko na rin ang bag ko at inantay ko si Zara para sabay kaming lalabas.
Gutom na gutom na ko paglabas naming ng PA Dept. Natagalan kami kasi nakipag-usap pa si Zara sa dati naming teacher. Halos hilahin ko na siya papuntang canteen. Pero bago pa kami makarating sa Multi, nakita kong papalabas ng Canteen si Ria... may dala-dalang pagkain at kasama na naman si Alex...
ITUTULOY
Literary: Isang Araw (Chapter 4)
Ang kwentong ito ay ipinasa ng staff ng Media Center 1 2012 bilang kanilang creative writing project para sa unang semestre. Sama-sama nila itong binuo, sinulat, at pinaghirapan.Sa kwentong ito, ang mga tauhan at mga pangyayari ay pawang kathang isip lamang. Hindi hango sa tunay na buhay o karanasan. Ang anumang pagkakahawig sa tunay na buhay ay nagkataon lamang at hindi sinasadya. Walang bahagi ng kwentong ito ang maaring ilathala at gamitin sa anumang paraan nang walang pahintulot ng may-akda.
Chapter 4: Sining Praktika
10:30 am
"Molave! Binigay na ni Ma’am ‘yung time para makapagplano tayo sa function. Plano na tayo, dali.” Walang sumagot.
“O, ano na? Plano na tayo? Ano ng theme natin para sa function? Hoy, Molave! HOOOOOOY!" Nagulat ako sa pagsigaw ng presidente naming si Pao.
Galit na ata. Hindi kasi magkasundo ang klase sa theme. Dapat tapos na mamaya. Pero kasi pasigaw-sigaw pa, takte. Nag-iisip ako ng mga bagay-bagay tapos ganyan. Pinabayaan ko nga.
Hay. Ano kaya naisip ni Ria na hindi ako 'yun nagsauli ng Sci-Cal niya? Eto naman kasing Alex na ‘to dun pa sa harap ko isasauli. Wala talagang diskarte. Nakakailang tuloy.
Tinitignan ko si Ria kanina habang naglalakad siya ng bigla siyang nadulas. Tinignan ko si Alex na parang sinasabi na “Tulungan mo si Ria!!!” Buti tinulungan naman niya. Gusto ko siyang tulungan kaso... Hindi talaga pwede.
Bahala siya. Ang manhid niya. Ayaw ko rin namang puro ako ang nagpaparamdam. Na puro ako lang ang kumikilos. Badtrip ako sa kanya tapos tutulungan ko siya? Anong sense no'n? Siya na nga 'tong hindi nagreply tapos...
Nagulat ako ng may biglang tumapik sa balikat ko. "Yo, bro! What's up? Hahahahaha! Lalim ng iniisip natin ah? Ano lalangoy na ba 'ko? Hahaha."
Si Zara pala. Simula bata magkakilala na kami. Magkapitbahay kasi kami tapos magkumare pa mga nanay namin, e ‘di ‘yun. Halos simula nursery pa lang ata magkaeskwela na kami, kaya kilala na namin talaga ang isa’t isa. Kaya nga minsan napapagkamalan na kami na eh. Pero hindi talaga kami talo. Parang magkapatid na kami.
Sana nga kay Ria na lang ako inaasar na ganito e. Nakakamiss tuloy nung 8-Dragonfly pa kami. Lagi kaming inaasar kasi lagi rin kaming magkasama nung grade 8. Nakakamiss nga noong...
"Ano na namang iniisip mo, Drew? Patay ka niyan kay Pao, wala ka pang nako-contribute. Hahaha!" Kantyaw pa ng kantyaw 'tong si Zara. Wala ring magawa e'no...
"Biro lang, hoy. Kumunot na naman 'yang noo mo, bespwet. Haha. Ano problema mo?"
"Pwet. Kasi ano, eh... Basta..."
"Parang alam ko na yan. Si ano ba? Si ano... Yieee.. Ehem, Ria, Ehem."
Di ako sumagot.
"Ano na bang nangyari?" tanong ni Zara.
"Eh, 'di nagreply kaninang Physics eh. 'Di ba lagi kasing nagrereply agad 'yun. Ang sakit lang." Nanlaki bigla mata niya na parang nagtataka. Ano bang trip nito?
"'Di lang nagreply?! OA mo ah! Pero okay lang 'yan, nararamdaman ko rin naman 'yan,” sabay ngiti sa akin ni Zara. “Chill lang, bespwet. Maaayos niyo din 'yan noh! Smile naman diyan o!” sabi niya bago nakipag-apir.
“Hoy, Zara. Tingnan mo nga kung okay na ‘to,” tawag ni Pao kaya bumalik na siya sa committee niya at nakipag-usap na dun. Haaaay. Buti na lang may mababait akong kaibigan kung hindi. Paano na lang ako nito?
10:51 am
"O, ano? Okay na ba 'to? Italian na tayo sa function ha? Oy, Molave!!!" sigaw na naman ni Pao.
"Oo nga! Okay na 'yan!" sabi naman ng mga kaklase ko.
“Sure na kayo rito ha? Utang na loob! Wag kayong magrereklamo ah! Ang magreklamo, pepektusan ko! Final na ba ‘to?” sabi pa ni Pao.
“Oo nga! Gutom na gutom na ako! Tara na, daliiiii! Lunch na tayo! I’m too awesome to be hungry!” hirit pa nitong si Alex.
Si Alex? Takte, si Alex. Nasa likuran ko lang si Alex.
"Dre, kanina ka pa nandiyan?" tanong ko sa kanya.
"Alangan. Dito ako nakaupo 'di ba? Putek 'yan," sabi ni Alex.
"Sabi ko nga."
Narinig niya kaya mga sinabi ko? Narinig niya kaya mga pinag-uusapan namin ni Zara? Baka sabihin niya kay Ria... Patay...
"Zara! Zara! Hoy, pwet!"
Lumingon siya sa akin. “Teka lang.”
“Tara na rito,” pangungulit ko.
"Ano na naman ba? Wait lang. Nag-uusap pa kami eh..."
"May sasabihin ako."
Lumapit ako sa kanya at binulong ko, "Hoy, napansin mo ba kanina si Alex? Takte.”
Tumawa lang siya ng malakas. Nakakaasar.
“Baka narinig niya pinag-uusapan natin at umabot kay Ria 'yun, hoy."
"Eh, hahah. Hindi ko napansin. Hahahha. Bahala ka diyan. Hahahhah!” Tawa lang siya ng tawa. “Ayos nga ‘yun eh, okay lang ‘yun na malaman ni Ria. Ayaw mo yun, pag nalaman niya, kikiligin siya, tapos liligawan mo siya, tapos, sasagutin ka na niya, tapos usual na away-bati lovelife, tapos ipapakilala mo siya sa parents mo, tapos ikakasal kayo, tapos, magkakaanak kayo, tapos... Mamamatay na kayo! And we all live happily ever after! Hahahah!”
“Ano bang pinagsasasabi mo, hoy?!” Takteng Zara ‘yan. Daming kalokohan.
11:11 am
11:11 na. Nagwish na naman siguro 'yung si Ria... Lagi niya 'yung ginagawa eh... Hay. Bakit ko ba siya iniisip? Galit nga ako sa kanya e. Takte naman. Hindi ko lang mapigilin na isipin siya.
“Oy, ikaw, Raymond! Ikaw na bahala sa pamimili ha,” sigaw na naman ni Pao. “Ikaw, ano, Justine! Ikaw na leader sa pagluluto ha! Kailangan niyong tandaan ‘tong mga inassign ko, Molave!”
Hay. Nakakatamad na 'tong PA. Bulyawan nang bulyawan. Buti na lang petiks kahit papano. Hay.
11:42 am
"Tara na, Molave. Ok na. Pwede na tayo mag-lunch. Drew, ikaw na lang maglagay nito sa table ni Ma’am," sabi ni Pao. Binigay niya yung project plan sa akin.
Isa-isang nagsi-alisan ang mga kaklase ko. Kinuha ko na rin ang bag ko at inantay ko si Zara para sabay kaming lalabas.
Gutom na gutom na ko paglabas naming ng PA Dept. Natagalan kami kasi nakipag-usap pa si Zara sa dati naming teacher. Halos hilahin ko na siya papuntang canteen. Pero bago pa kami makarating sa Multi, nakita kong papalabas ng Canteen si Ria... may dala-dalang pagkain at kasama na naman si Alex...
ITUTULOY
Kabitin. Lagi naman.....
ReplyDeletebitin kung bitin! (((=
ReplyDeletepotek yan! bakit tagos?? :))
ReplyDelete